Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arayat Pampanga PNP Police

17-anyos dalagita pumalag suspek sa child exploitation timbog sa entrapment ops

MATAGUMPAY na naisagawa ang entrapment operation laban sa online child exploitation sa bayan ng Arayat, lalawigan ng Pampanga, na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang lalaki at pagkakasagip sa isang menor de edad.

Ikinasa ang operasyon ng Regional Anti-Cybercrime Unit 3 (RACU 3) sa pamumuno ni P/BGen. Bernard Yang, katuwang ang Arayat MPS, sa isang hotel na matatagpuan sa Brgy. Telapayong, sa nabanggit na bayan.

Isinagawa ang operasyon nang personal na magreklamo ang biktimang kinilalang si alyas Karen, 17 anyos, kasama ang kanyang ina, kapuwa residente sa Brgy. San Antonio, Arayat.

Naaresto ang suspek na kinilalang si Erickson Garcia, 26 anyos, residente sa Anao, Mexico, Pampanga, na nahaharap sa mga kasong paglabag sa Articles 286 (Grave Coercion) at 282 (Grave Threat) ng Revised Penal Code, RA 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009), RA No. 1992), RA 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003).

Ito ay sinususugan ng RA 10364 at RA 11862, at RA 11930 (Anti-Online Sexual Abuse o Exploitation of Children o OSAEC) at Anti-SAIEM Material Activity ng 2022), lahat ay may kaugnayan sa Seksyon 6 ng RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).

Narekober sa lugar ng operasyon ang isang Infinix Hot 11S NFC cellphone, 38 pirasong P500 boodle money, at isang tunay na P1,000 bill na ginamit bilang marked money.

Matapos maaresto ang suspek, pinapurihan ni P/BGen. Jean Fajardo, regional director ng PRO3, ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon at pagsagip sa biktima.

Pahayag niya, ang mga nananamantala at nananakit sa mga bata ay haharap sa buong puwersa ng batas kasunod ang paghimok sa publiko na iulat ang mga kahina-hinalang aktibidad upang makatulong na protektahan ang mga kabataan. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …