Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Caloocan

Manyak nasakote sa Bagong Barrio

HINDI nakapalag sa mga tauhan ng Caloocan City Police ang 33-anyos lalaking may kinahaharap na kasong Acts of Lasciviousness matapos ang isinagawang manhunt operation at hainan ng warrant of arrest, kamakalawa sa Bagong Barrio, Caloocan City.

Sa report ng operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Caloocan City sa pamumuno ni Colonel Paul Jady D. Doles, inaresto ang akusadong kinikilala bilang  most wanted person sa Bagong Barrio,

dakong 4:20 ng hapon, kamakalawa.

Dala ang bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Marcelino Rodriguez Gonzales II, Presiding Judge ng MeTC Branch 42, Quezon City, may petsang 27 Mayo, 2025 sa kasong Acts of Lasciviousness.

Inaresto ang 33-anyos akusado sa ikinasang manhunt operation gamit ang Alternative Recording Device (ARD) para masiguro na mayroong sapat na documentation sa paghuli.

Una munang dinala ang akusado sa Caloocan City Medical Center (CCMC) para sa medical and physical examination saka ipinasa sa Investigation and Detective Management Section – Warrant and Subpoena Section (IDMS-WSS) para sa pansamantalang pagkakulong  habang inihahanda ang mga kaso na ihahain sa korte.

Samantala, pinarangalan ni Police Brigadier General Josefino D. Ligan, District Director ng Northern Police District (NPD) ang mabilis na pagtugon ng Caloocan City Police Station sa paghuli sa mga nasasangkot sa krimen. (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …