Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
43rd PAL Manila International Marathon sa CCP Complex
SI Manila Marathon Organizer Dino Jose, kung saan tinalakay ang Manila Marathon kasama si Head marshall Arnold Ingenieri tangan ang jersey at medalya na makakamit ng mga makakatapos na runners sa gaganaping Manila Internaional Marathon sa Hunyo 22, naging panauhin sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) 'Usapang Sports' sa PSC Conference Room sa Rizal Memorial Sports Complex. (HENRY TALAN VARGAS)

43rd PAL Manila International Marathon sa CCP Complex

ASAHAN ang isang kalidad na karera sa ika-43 edisyon ng Philippine Airlines Manila International Marathon ngayong Hunyo 22 sa CCP Complex.  Masusubukan ang kakayahan ng mga mananakbong Filipino ng delegasyon ng mga banyagang nasa 80 ang bilang sa pagpapatuloy sa isa sa pinakamatanda at makasaysayang karera sa bansa. 

Ayon kay organizer coach Dino Jose nang dumalo sa lingguhang Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’, nitong Huwebes sa Philippine Sports Commission (PSC) Conference Room sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila. Lilimitahan ang mga kalahok sa 1,000 lang para sa lahat ng kategorya.  Nakarehistro na ang may 300 katao na tatakbo sa 42.195 km at 300 na rin sa 21.1 km na may patakbo rin sa 10km at 5km – subalit oras na umabot ang kabuuan sa 1,000 ay isasara ang pagpapalista. 

Maaaring mag-rehistro sa mga piling sangay ng Chris Sports sa SM North EDSA, MOA, Trinoma at Robinsons Manila.  Ginaganap din ito online sa Race Roster.

Lahat na magtatapos ay gagawaran ng medalya at regalo mula sa mga sponsor.  May t-shirt din para sa mga tatakbo ng Full Marathon at Half-Marathon. 

Noong nakaraang taon ay nag-kampeon sina Richard Salano at Maricar Camacho sa tampok na Marathon.  Mas determinado ngayong magpakita ang mga bibisita sa pangunguna ng bumabalik na si Nasser Allali ng Pransiya na pumangalawa kay Salano.Titingnan din kung mahihigitan ang pinakamabilis na Marathon sa Pilipinas na 2:14:27 na itinala ni Waldemar Cierpinski ng Silangang Alemanya noong pinakaunang edisyon ng karera noong 1982.  Galing si Cierpinski sa dalawang gintong medalya sa Marathon noong Montreal 1976 Olympics at matagumpay na inulit ito sa Moscow 1980.

Para sa karagdagang katanungan at impormasyon, bumisita sa http://www.manilamarathon.com. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

SM Cyberzone Christmas Tech Gift

Cyberzone Christmas Tech Gift Guide 2025: Top 5 Must-Have Gadgets for the Holidays

The holiday season is here, and if you’re looking for the perfect presents for the …