“MAPABILANG sa Batang Gilas at maging matagumpay sa basketball career.”
Payak na pangarap, ngunit gahiganteng determinasyon at motibasyon ang sandigan ng mga batang player na sina Andril Gabriel Yap at Jacob Maycong upang mapabilang sa mga hanay ng mga matagumpay na professional basketball players sa bansa.
May taas na 6’10, kayang maglaro ng apat na posisyon at incoming Grade 10 sa National University — si Yap – mayroong talento na madalang makita para sa isang high school players.
“Sa tulong po ng father ko at mga coaches, naitaas ko na po ‘yung level of competitiveness ko. ‘Yung sa dribbling at shooting ‘yun po ang kailangan ko pang pagsumikapang i-develop. Gustong-gusto ko pong ma-improved kaya nagpapasalaamat ako sa NU for the past five months nag-eensayo na ako sa kanila,” pahayag ni Yap, naimbitahan na rin mag-ensayo at mag-try-out sa national junior team sa nakalipas na taon, sa pagbisita nitong Huwebes sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) Usapang Sports sa Philippine Sports Commission (PSC) Conference Room sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila.
Masasabi namang beteranong international junior campaign ang 13-anyos at 6’3 guard na si Maycong bunsod nang pagkakasama sa koponan na sumabak sa club championships sa Singapore, Thailand, at Malaysia.
“Malaking tulong po bilang basketball player ‘yung experience na makalaro sa abroad. Marami pa pong kulang sa laro ko kaya determinado po akong mas matuto pa at ma-develop pa ‘yung talent ko para makakuha ng chance na makapaglaro sa National Team,” pahayag ng incoming Grade 9 student sa Adamson Univerity, sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine, at Pocari Sweat.
Parehong may husay, kapwa determinado. Ayuda at tulong para hasain ang talento ang kailangan ng dalawang batang future basketball star.
Masasabing hulog ng langit sa dalawa ang pagkakapili sa kanila bilang brand ambassador ng Doctor Odsman Wellness Revolution na pagmamay-ari nina dating collegiate player Norman Afable at negosyanteng si Bong Maycong.
Ang kompanya ay nag-develop at nag-produce ng iba’t ibang food supplement at bitamina na regular nang mabibili sa merkado at kilalang drug stores
“Ito envision ko, wellness revolution. Dapat tamang gamot. Ibalik ang totoong Natural Immunity- malakas at healthy,” pahayag ni Afable, isa sa matibay na basketball organizers sa grassroots level.
“Healing in every capsules. Ibalik ang natural immunity holistic wellness revolution. Immuncell-C is Ascorbic acid + Zinc na mabisang pamalit sa mga mamahaling vitamin-C. Ang NeuronerBcell Forte is a Vitamims B Complex for pulikat, ngimay, stroke at neuro & nerve cell vitamins. Tamang pamalit sa branded na gamot dahil sa ganda ng presyo at kalidad. Muli, ibalik ang natural immunity ng katawan,” anang dating Jose Rizal College star.
Iginiit ni Maycong na layunin ng kompanya na makatulong sa masang Pinoy kung kaya’t inilunsad nila ang pagbebenta ng murang mga bitamina at food supplement. Kasabay nito, suportado nila ang mga batang players na mapanatiling malusog ang kanilang katawan para matupad ang mga pangarap na umasenso sa sports at sa buhay.
“Naglilibot kami sa mga proibinsiya para ituro ang tamang edukasyon sa health. Suportado namin ‘yung mga batang players para mapanatili nilang malusog ang kanilang mga katawan. Ang malusog na komunidad ay sandigan ng isang mayamang bansa,” ayon kay Maycong. (HNT)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com