I-FLEX
ni Jun Nardo
INAASAHAN na ang umaatikabong traffic sa NLEX sa May 31, Sabado at June 1, Linggo dahil sa ito ang simula ng kick off ng international tour ng Simula at Wakas concert ng King of Pop na SB19!
Naglabas na ng traffic advisory ang pamunuan ng NLEX kaugnay ng concert na ito ng SB19 lalo na’t days before the concert eh sold out na ang tickets.
Kaya naman alamin ang tamang daanan papunta sa far north para hindi mabalahaw ang sasakya niyo dahil sa traffic.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com