Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Francine Diaz Seth Fedelin Franseth Kathniel Daniel Padilla Kathryn Bernardo

FranSeth ‘di itinanggi gustong maabot narating ng KathNiel

ni ALLAN SANCON

SINASABING sina Francine Diaz at Seth Fedelin ang susunod sa yapak ng KathNiel dahil pinatunayan ng dalawa na hindi lang sila click sa telebisyon, maging sa big screen ay tinatangkilik ng mga manood ang loveteam nila matapos maging blockbuster ang kanilang Metro Manila Film Festival 2024 movie, ang My Future You.  

Sa ikalawang pagkakataon ay muling gagawa ng pelikula ang FranSeth, ang She Who Must Not Be Named, isang romantic-comedy na ipo-produce ng Ohh Aye Productions, Inc, isinulat ni  Lawrence Nicodemus at ididirehe ni Christopher Novados.

 Sa katatapos na story conference nina Francine at Seth ay nag-react ang dalawa na sila ang sinasabing next KathNiel.

“Kami ang unang FranSeth! Pero infairness naman kina Kuya Daniel (Padilla) at Ate Kathryn (Bernardo) na sila talaga ang mga unang loveteam na tinitingala namin lalo na sa generation. Gusto rin namin maabot ang tagumpay ng kanilang loveteam,”  sambit ni Seth.

Pilit din naming pinaaamin ang dalawa kung ano na ba talaga ang status ng relasyon nila ngayon?

“Sinubok na kami ng maraming panahon, sinubok na kami ng maraming problema. Hanggang ngayon,  gaya ng sinabi ko dati, nakikita ko at gusto kong makasama in the future si Francine. Siguro naman ay napatunayan ko ngayon na kami pa rin ang magkasama,” paliwanag ni Seth.

“Mas matured na ‘yung relationship at hindi na kami 16 or 17 years old. Nandito na kami sa punto ng buhay namin na nagsisimula na kami para sa real face ng buhay namin. Kumbaga, unang hakbang ng aming pupuntahan,” dagdag pa ni Seth.

“Para po sa akin, when I say naman na nakikita ko si Seth sa future ko hindi naman ibig sabihin na may kaakibat ito na romance. 

“Sa ngayon  po we are best friends at ayaw po naming madaliin talaga kung  ano man ang sagot na gusto ninyong makuha or anong relationship status namin ni Seth. 

“It’s more on, mas protective kami sa pagkakaibigan naming dalawa, kasi kagaya ng lagi naming sinasabi na may trabaho kaming inaalagaan. Kung sakaling mapunta kami roon,  i-update po namin kayo,” kwento naman ni Francine.

“Na-excite rin po kami sa pupuntahan ng relasyon namin,” dagdag pa ni Seth.

Pero kung sakai bang magiging sila ay aaminin ba nila in public at hindi nila ito itatago?

“Tingnan po natin, matagal pa naman ‘yun kung sakali,” wika ni Francine.

“It’s for you to find out. Pero wala namang masamang aminin at ipagsigawan kung talagang ganoon ang mangyayari sa future,” sambit pa ni Seth.

Makakasama ng FranSeth sa pelikula sina Ruby Ruiz, Bobby Andrew,  Kat Glalang, Bernadette Allyson-Estrada, Raven Rigor, Abdul Raman, Kaleb Ong, Kych Minemoto, at Elijah Alejo.

Paniguradong maraming excited na mapanood ang bagong pelikula ng FranSeth matapos ang success ng kanilang MMFF movie na My Future You. Abangan sa mga sinehan. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …