Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Binibining Pilipinas 2025 Lagoon Fashion Show
PINANGUNAHAN nina Bb. Pilipinas International 2024 Myrna Esguerra, Bb. Pilipinas Globe 2024 Jasmin Bungay, Bb. Pilipinas 2024 1st runner-up Christal Jean Dela Cruz, at Bb. Pilipinas 2024 Trisha Martinez ang pagtatapos ng fashion show. (HENRY TALAN VARGAS)

Mas Mainit ang Tag-Init sa Binibining Pilipinas 2025 Lagoon Fashion Show!

NAG-RAMPA  na naman ang mga kandidata ng Binibining Pilipinas 2025 sa Lagoon Fashion Show na ginanap sa Gateway Mall 2, Araneta City nitong Mayo 28, 2025.

Suot ang mga latest na swimsuit designs mula sa Dia Ali by Justine Aliman, shoes mula sa Mari Queen, accessories by Christopher Munar, at styling ni Patrick Henry, lakas maka-bighani ang mga kandidata habang confident na rumampa sa Lagoon runway. Ang mga bright yellow swimsuits na suot nila ay swak na swak sa saya ng summer vibe sa Pilipinas!

Special din ang finale ng fashion show dahil sina Binibining Pilipinas International 2024 Myrna Esguerra, Binibining Pilipinas Globe 2024 Jasmin Bungay, 1st runner-up Christal Jean Dela Cruz, at Trisha Martinez ang rumampa suot ang maiinit na hot pink swimsuits mula sa Dia Ali.

Ang Dia Ali ay kilala sa glam na designs at flattering fit—kaya naman angat na angat ang natural na ganda at confidence ng bawat kandidata.

Ginanap ang fashion show sa The Lagoon ng Gateway Mall 2—isang 84-ft na shallow pool na may fountain at greenery. Madalas itong dining spot, pero para sa mga events gaya nito, instant runway ang peg!

Ang Dia Ali by Justine Aliman ang official swimsuit sponsor ng Binibining Pilipinas.

Abangan ang Grand Parade of Beauties sa Araneta City sa June 8, at ang coronation night ng Binibining Pilipinas 2025 sa June 15 sa Smart Araneta Coliseum! (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …