I-FLEX
ni Jun Nardo
BAGO bumalik sa Bahay ni Kuya sa PBB Collab, nagkasama sina Charlie Fleming at Anton Vinzon sa Binalbagan Festival sa Binalnagan, Negros Occidental para sa GMA Regional show.
Marami ang nagsi-ship sa dalawa gawa ng TonLie Glimmers kung tawagin.
Nag-upload pa sa Tiktok sina Charlie at Anton ng mga video nilang dalawa at nag-live pa na lalong nagpakilig sa kanilang fans at tinukso sila nina Raheel Bhyria at Jay Ortega.
Ang caption pa ni Anton sa Tiktok video nila ay huwag na raw bumalik si Charlie sa Bahay ni Kuya pero hindi natupad ang wish ni Anton dahil si Charlie nga ang muling nakapasok sa Bahay ni Kuya noong Linggo.
Marami ang nagre-request na ipasok si Charlie sa Mga Batang Riles ngunit hindi na yata ito matutupad dahil last three week na ang Mga Batang Riles at nasa loob na ng Bahay ni Kuya si Charlie.
Mas matinding laban ang magaganap sa PBB dahil Kapuso versus Kapuso at Kapamilya versus Kapamilya ang bagong challenge sa PBB!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com