Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Swim Diving PAI
PANAUHIN ang Philippine Diving Team na sina (mula kaliwa pakanan) PAI executve director Anthony Reyes, Chinese coach Cui, coach Rexcel Fabriga, Rose Ann Ocmer diving medalists at Marie Dimanche PAI director / diving head sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa PSC Badminton VIP Room ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila. (HENRY TALAN VARGAS)

Diving pinatibay ng PAI program

NAKATUON ang programa ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) hindi lamang para palakasin ang kampanya ng swimming bagkus maiangat ang kalidad ng mga atleta mula sa iba pang sports na nasa pangangasiwa nito sa international competition.

Ibinida ni PAI Executive Director Anthony Reyes na masinsin ang liderato nina President Miko Vargas at Secretary General Eric Buhain kaakibat ang Philippine Sports Commission (PSC) upang maibigay sa lahat ng atleta ang pangangailangan mula sa allowances, training at international exposure.

“Kakayanin natin na mapagtagumpayang maiangat ang swimming dahil sa maayos na programa ng PAI sa tulong ng PSC at ng buong swimming community. Mula nang mabuo ang PAI, sunod-sunod ang tagumpay natin hindi lamang sa swimming kung hindi maging sa artistic swimming, water polo, open swimming at sa diving,” pahayag ni Reyes sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa PSC Badminton VIP Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex.

Kabilang sa unti-unting pagbabalik sa pedestal ang diving bunsod ng matatag na kampanya sa abroad kabilang ang katatapos na 2nd Parisakti Diving International Competition sa Indonesia na nasungkit ng 20-anyos na si Rose Ann Ocmer ang isang gintong medalya (open platform) at bronze medal (1m open event).

Bago ito nakapag-uwi na rin ng medalya ang senior high school student sa ibang international competition sa Singapore, Malaysia at Hong Kong sa nakalipas na taon.

“Talaga pong nagpupursigi kami sa training. Gusto naming matumbasan ng tagumpay ang sakripisyo ng aming mga opisyal at ng ating mga kababayan. Sa maayos na liderato ng PAI nakababalik na kami sa regular training at unti-unting nababalik ‘yung kompiyansa namin na medyo bumaba dahil sa mga naging kabiguan amin sa nakalipas na torneo,” pahayag ni Ocmer hinggil sa nakadedesmayang kampanya ng diving team sa nakalipas na SEA Games.

Inamin ni PAI Director at diving head Marie De Castro Dimanche na napakahirap makakuha ng atleta sa diving sa kabila ng hindi matatawarang bilang ng mga talento mula sa lalawigan.

“First, limitado ang ating training venue kaya sa ngayon dito kami sa Manila naka-concentrate, dahil sa Rizal memorial diving pool ang pinakamalapit. ‘Yung sa Ultra inaayos na dahil wala kaming land training doon samantala sa Clark masyadong malayo para sa ating mga atleta na lahat nag-aaral sa Manila at puro under-age pa,” pahayag ni Dimanche.

Sa kabila nito matatag, pursigido, at determinado ang mga atleta sa pangangasiwa nina Chinese Coach Gui at Olympian na si Rexcel Fabriga.

“Maraming talent sa probinsiya pero hirap kaming makombinsi ang mga parents na dalhin sila sa Manila. Hindi naman kami makaalis sa Manila para mag-training dahil nandito sila nag-aaral. One thing for sure, determinado ang ating mga atleta na makabawi sa Sea Games kaya may tatlong international exposure pa kami at training possibly sa China,” sambit ni Dimanche.

Ikinalugod ni Reyes ang patuloy na pag-angat sa world ranking ng ilang ‘elite’ athletes sa swimming tulad nina Kyla Sanchez, Ciandi Chua, Alexander Eichler, at Gian Santos na pawang kalipikadong sumabak sa World Championship sa Hulyo.

“‘Yung iba nating elite swimmiers may kanya-kanyang training sa abroad tulad nina SEA Games champion Chloe Isleta (Australia), Jamine Mojdeh at Heather White (US). Pero sa August, kailangan nilang umuwi muna para sa National tryouts for the selection of the PH team sa Sea Games this December,” ayon kay Reyes. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …