Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
World Slasher Cup 2025

World Slasher Cup-2 first day elims, sasyapol na

SASAGUPA ngayong araw ang mga bigating sabungero mula sa iba’t ibang panig ng mundo para sa unang araw ng eliminasyon ng ikalawang edisyon ng 2025 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.

Nasa 70 soltada ang nakatakdang magsagupa para sa unang araw ng eliminasyon ngayong araw na magsisimula mamayang 1:00 ng hapon.

Sasabak sa unang round ng eliminasyon sina legendary breeder/cocker Nene Abello, two-time WSC champ Honey Yu, Dela Cruz brothers, master breeder Joe Alimbuyugen, Jimmy Junsay, Anthony Ramos, Tony Tumalad, Carrie Chua, Engr. Emer Sumigad, Fiscal Moises Villanueva, Dicky Lim, Doc Ayong Lorenzo, Jojo Gatlabayan, Raffy Turingan, Mike Romulo, James Uy, eight-time WSC champ Frank Berin, at ilan pang mga bigating sabungero.

Ang mga sabungerong nakapagtala ng tig-dalawang panalo ay awtomatikong pasok sa 3-cock semi-finals sa Biyernes, Mayo 23, habang ang mga kalahok na nakapagtala ng tig-isang panalo at isang talo ay mananatili pa rin sa kompetisyon para sa inaasam na titulo.

Sa mga nais masaksihan nang live ang nasabing derby sa Smart Araneta Coliseum ay maaari bumili ng ticket sa Ticketnet o ‘di kaya sa http://www.worldslashercup.ph. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …