Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ruffa Gutierrez Mr Harry

Yilmaz ‘di na tuloy pagbisita ng ‘Pinas 

I-FLEX
ni Jun Nardo

GIFT from heaven ang tawag kay Ruffa Gutierrez ng may-ari ng Magical Gems by Isabel & Alexandria na si Mr Harry dahil pumayag siyang maging ambassadress ng kanyang gems  na hindi lang accessories ang looks kundi puwede rin sa mahahalagang okasyon.

Mamahalin ang mga gem na nakapaloob rito at sa suot ni Ruffa sa mediacon eh nagkakahalaga raw ng P5000K  huh!

Kilala ba ni Sir Harry si Ruffa at alam ang status nito sa showbiz?

Kilala ko siya!” sagot ni Sir Harry.

Pati lovelife niya kilala niya?

I’m a very private person. Pardon me, I do not know her personalie. But we’re friends now! Hahaha!”sagot niya.

Kasi nga, pina-follow na niya ako! Hahaha!” sabad ni Rufing.

Kamakailan eh nag-post si Ruffa sa birthday greeting niya kay  Herbert Bautista.

I only post twice a year! Sa  personal life, mas maganda at mas nagtatagal at healthy ‘pag private. Iba ang private, iba ‘yung secret!

“Mas maganda ‘pag private kasi birthday niya!” sagot ni Ruffa.

Aaakting muli si Ruffa sa GMA series na Beauty Empire. ‘Yun nga lang, parang hindi na tuloy ang pagpunta sa bansa ng former husband niyang si Yilmaz Bektas. Proud siyang sabihin na siya ang nagpapaaral sa dalawang anak na nasa States habang si Yilmaz eh nagbibigay ng allowance.

Natutuwa siya sa mga anak dahil masipag mag-aral. Graduate na rin siya at ginagawa ang thesis para sa kanyang master’s degree in Communications.

Ipinagmamalaki ni Rufing na never siyang nagsanla ng alahas para maitaguyod ang dalawang anak.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …