Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rizal Memorial Football Field, opisyal nang FIFA Quality Pro
DUMALO sina (mula sa kaliwa) PSC chairman Richard Bachmann, Engr. Joseph Apat Office of the Provincial Architect Provincial Government of Lanao Del Norte, E-Sports Managing Director Audris Romualdez, E-Sports General Manager Pam Romualdez, at Cyril Olis Teacher and Football coach, Lanao Del Norte National Comprehensive High School sa lingguhang Philippine Sportswriers Association Forum sa conference room ng RMSC sa Malate, Maynila.

Rizal Memorial Football Field, opisyal nang FIFA Quality Pro

ANG FOOTBALL field ng Rizal Memorial Sports Complex ay opisyal nang kinilalang FIFA Quality Pro ng International Federation of Association Football (FIFA) — ang pinakamataas na kalidad sa ilalim ng FIFA Quality Programme para sa mga artificial turf na ginagamit sa mga propesyonal at pandaigdigang torneo.

Ang anunsyo ay sabayang ginawa ng Philippine Sports Commission (PSC) at E-Sports International sa isang sesyon ng Philippine Sportswriters Association Forum sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC). Ayon kay E-Sports Managing Director Audris Romualdez, malaking karangalan ang pagkilalang ito at pasasalamat ang kanilang hatid sa PSC sa pagtitiwala.

Sinabi naman ni PSC Chairman Richard Bachmann na layunin ng ahensya na muling buhayin ang football field, at pinasalamatan ang E-Sports sa pagbibigay ng de-kalidad na pasilidad na magagamit ng lahat.

Natapos ang pagsasaayos ng field sa loob ng isang buwan, sinubukan noong Abril 11, at pormal na na-certify noong Mayo 2. Ang FIFA Quality Pro certification ay may bisa ng isang taon, at sasagutin ng E-Sports ang libreng maintenance sa panahong ito, kabilang ang pagsasanay at kagamitan para sa PSC.

Dagdag pa ni E-Sports General Manager Pam Romualdez, lumalawak pa ang kanilang proyekto sa iba’t ibang sports facilities sa bansa gaya ng New Clark City, at kasalukuyang ginagawa ang kauna-unahang skate park sa Pilipinas.

Samantala, ang Lanao del Norte, sa pamumuno ni Congresswoman Imelda Dimaporo, ang isa sa mga LGU na kumontrata sa E-Sports para sa pagsasaayos ng Mindanao Civic Center. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …