Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kaogma Collision 2
NAGHARAP sina Universal Reality Combat Championship (URCC) Flyweight champion Eros Baluyot (nasa kaliwa) at Rene Catalan Jr., Flyweight contender habang nasa gitna si URCC President/Founder Alvin Aguilar sa press conference ng Kaogma Collision 2 na ginanap kahapon sa DEFTAC Gym, Sucat, Parañaque City. (HENRY TALAN VARGAS)

Kaogma Collision 2 sisiklab

MULING magpapasiklab ang Universal Reality Combat Championship (URCC) mixed martial arts sa Kabikulan ngayong katapusan ng buwan.

Dahil ang mga Villafuerte political powerful clan sa Camsur ay nagsipagwagi muli nitong nakaraang midterm election ay mistulang victory party treat ang ilalargang classic fight night na binansagang  Kaogma Collision 2 sa Linggo, 25 Mayo sa Fuerte Sports Complex, Capitol Grounds, Cadlan, Pili, Camarines Sur.

Sa press conference na ginanap kahapon sa DEFTAC Gym, Sucat, Parañaque, iprenisinta ang dalawang protagonista na sina Rene Catalan, Jr., kontra Eros Baluyot bilang main event ng 10 fight-card tampok ang dayuhang kalaban mula South Korea at mga dating Russian Republics powerhouse sa larangan ng mixed martial arts.

Ang mga Villafuertes ay kilalang martial arts enthusiasts ayon kay URCC founder/president Alvin Aguilar kung kaya sa ikalawang pagkakataon ay naimbitahan ang URCC na magpakitang gilas sa Camsur.

“Noong unang edisyon ng URCC sa CamSur ay talaga namang dinagsa ang Fuerte Coliseum ng lokal na fight fans kaya maaasahan ng mga Bicolano na makasasaksi silang muli ng world class na kompetisyon sa ruweda.

Matutunghayan din na kayang labanan nang sabayan o daigin ng Pinoy fighters ang mga dayuhang MMAers kaya sigaw ng encuentro kibitzers…

“Bakbakan na!” pahayag ni Aguilar na todo pasasalamat sa mga kaibigan niyang Villafuertes na nagbigay ng oportunidad sa mga promising fighters upnang mapasabak sa high level competition ng URCC.

Ilalabas ni URCC head matchmaker at event officer Aaron Catunao ang bubuuing fight card na nakasalalay ang prestige, puntos at ranggo ng local warriors  kontra dayuhan.

         Inaasahan ang eksplosibong banggaan nina Catalan, Jr., at mapanganib na si Eros Baluyot na magtutunggali sa unang pagkakataon. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …