Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Richard Bachmann PSC Batang Pinoy 2025
PINANGUNAHAN ni PSC Chairman Richard E. Bachmann, kasama si Project Head Dindin R. Urquiaga (gitna magkatabi) at sina (mula sa kaliwa), Rachel R. Dumuk, Secretariat Technical Concerns head; Caroline S. Tobias, Internal Affairs head; Gloria D. Quintos, External Affairs head; at Roselle Z. Destura, Sports Management head, ang pagdalo sa Philippine Sportswriter Association (PSA) forum na ginanap sa Conference Room ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila. (HENRY TALAN VARGAS)

GenSan host ng Batang Pinoy 2025

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Sports Commission (PSC) na gaganapin ang Batang Pinoy 2025 sa 25-31 Oktubre 2025 sa Generl Santos City.

Ayon sa PSC, ang paligsahang nakabase sa paaralan para sa mga atletang hindi hihigit sa 17 anyos ay magiging mas malaki, mas maganda, at mas moderno.

“Plano namin magpatupad ng mga inobasyon na makabubuti sa lahat ng delegado,” ayon kay project director Dindin Urquiaga sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum nitong Martes sa Conference Hall ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Maynila.

Kasama sa forum, sa pagtataguyod ng San Miguel Corporation, PSC, Philippine Olympic Committee, MILO, Smart/PLDT, at ArenaPlus, si PSC chairman Richard Bachmann at ang technical working group ng PSC.

“Ang pangunahing layunin namin para sa Batang Pinoy ngayong taon ay bigyan ang mga delegado ng isang kahanga-hangang karanasan na parang sila’y nakikipagpaligsahan sa pandaigdigang antas,” ani Bachmann, at idinagdag na ang tagumpay ay makikita sa “ngiti ng mga kalahok.”

Kabilang sa mga inobasyon para sa paligsahang may 27 sports ay ang paggamit ng QR code system para sa iskedyul at resulta, pag-a-adjust ng age limit base sa isport, at pagbibigay nang mas maayos na transportasyon para sa mga delegado sa pamamagitan ng e-Jeepneys habang sila ay nasa Tuna Capital ng bansa.

Mula sa 14,000 kalahok noong nakaraang taon sa Puerto Princesa, Palawan, inaasahan ng PSC at ng host province na mahigit 15,000 ang lalahok sa mga sumusunod na sports: aquatics, archery, arnis, athletics, badminton, basketball, boxing, chess, cycling, dancesport, futsal, gymnastics, jiu-jitsu, kickboxing, karate, muay, pencak silat, sepak takraw, soft tennis, tennis, table tennis, taekwondo, volleyball, weightlifting, wrestling, at wushu.

Kamakailan ay nakipagpulong ang PSC technical working group kay General Santos City Mayor Lerelie Pacquiao at nagsagawa ng ocular inspection sa mga venue.

“Napakapalad namin dahil kasing-sigla rin ng pamahalaan ng Lungsod ng General Santos ang kanilang suporta,” dagdag ni Urquiaga. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …