Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PVL Rookie Draft 2025

Mga nagnanais sumali sa PVL, may isang linggo na lang bago ang deadline ng draft

ISANG linggo na lamang ang natitira para sa mga kabataang atleta na nagnanais makapasok sa pinakamataas na antas ng women’s volleyball sa bansa upang isumite ang kanilang aplikasyon para sa inaabangang Premier Volleyball League (PVL) Draft.

Inorganisa ng Sports Vision, ang PVL Draft ay isang pambihirang pagkakataon para sa mga umaangat na manlalaro na ipamalas ang kanilang talento sa pambansang entablado, makipagtagisan sa mga pinakamagagaling sa bansa, at itaas pa ang kanilang laro. Habang papalapit ang pagtatapos ng aplikasyon, inaasahan ng mga tagapag-organisa ang pagdagsa ng mga nagnanais abutin ang kanilang propesyonal na pangarap.

Ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon ay sa 23 Mayo 2025. Kailangang kompletohin ng mga interesadong aplikante ang opisyal na application form na makikita online sa http://pvl.ph/draft. Kapag napunan na, kailangang ipadala ang form kasama ng lahat ng kinakailangang dokumento sa email na [email protected].

Pinaaalalahanan ang lahat ng aplikante na tiyaking tama at kompleto ang kanilang mga form at dokumento upang maiwasan ang pagkaantala o diskalipikasyon.

Mga Kalipikasyon:

Dapat ay babae sa kapanganakan, na napatunayan sa pamamagitan ng PSA-issued na birth certificate.

         Dapat ay 21 taong gulang pataas pagsapit ng 31 Disyembre 2025.

Ang mga mas bata sa 21 ay maaari pa rin mag-apply kung sila ay nakapagtapos na ng kolehiyo.

Walang requirement ukol sa collegiate playing experience o academic units.

Para sa mga Filipino-foreign applicants:

Kailangang magsumite ng valid Philippine passport o opisyal na resibo bilang patunay ng paglabas nito bago ang 23 Mayo deadline.

Para sa mga naglaro sa collegiate volleyball sa Pilipinas (maliban sa UAAP o NCAA):

Kailangang magsumite ng endorsement letter mula sa kanilang collegiate coach o athletic director.

Iba pang mga kinakailangan:

Medical clearance mula sa lisensiyadong doktor na nagsasabing fit to play ang aplikante.

         Medical declaration form na pirmado ng aplikante.

         Notarized statement na nagsasaad na wala silang kasalukuyang commitment sa anumang collegiate o club team bago pumasok sa draft.

Draft Lottery at Order:

Nxled ang may pinakamalaking tsansa (40%) para sa No. 1 overall pick, kasunod ang Capital1 (30%).

Magkakatabla sa standings ang Farm Fresh at Galeries Tower at daraan sa tiebreaker para sa 20% at 10% na pagkakataon.

Ang mga susunod sa first round draft order ay ang  ZUS Coffee, Cignal, Chery Tiggo, at Choco Mucho (na sasailalim sa tiebreaker para sa ika-7 at ika-8 pick).

PLDT ang susunod, at tiebreaker din para sa Akari at Petro Gazz (para sa 10th at 11th pick).

Creamline ang kokompleto sa draft order sa ika-12 puwesto.

Draft Combine at Rookie Draft:

Ipakikita ng mga aplikante ang kanilang galing sa harap ng mga team coaches sa isang two-day Draft Combine sa 30-31 Mayo. Magkakaroon din ng Media Day sa unang araw bilang pasilip sa mga susunod na bituin ng liga.

Ilalabas ang final list ng mga kalipikadong draftees sa 4 Hunyo, habang ang mismong PVL Rookie Draft ay magaganap sa 8 Hunyo, kasunod ng matagumpay na 2024–25 All-Filipino Conference.

Isang malakas na rookie class ang maaaring magpabago sa balanse ng lakas sa liga—patunay ang mga breakout stars ng 2024–25.

Sabi nga, “Baka ang susunod mong serve ang maging susunod na viral highlight ng PVL!”  (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …