Saturday , July 26 2025
QCPD Quezon City

2 pulis-QC nanggulo sa bar, inaresto ng mga kabaro

INARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – Holy Spirit Police (QCPD – PS14) ang dalawa nilang kabaro makaraang manggulo nang makainom sa loob ng isang bar sa Commonwealth Avenue,  Barangay Holy Spirit ng lungsod.

Ang dalawang pulis, isang 33-anyos may ranggong corporal at isang 29-anyos patrolman ay kapwa nakatalaga sa Warrant Section ng Police Station 14, ay pumasok sa KTV bar bandang 2:30 ng umaga, nitong Miyerkoles, 14 Mayo.

Hinihinalang nakainom na ang dalawa nang pumasok sa KTV Bar at saka umorder pa ng ilang bote ng  beer. 

Makaraan, nanggulo sa loob ang dalawa kaya ilan sa kagamitan ng establisimiyento ay nasira dahilan para tumawag ng saklolo ang may-ari sa pulisya.

Mabilis na nagresponde ang mga operatiba ng PS 14 at inaresto ang kanilang kabaro.

Sa ipinalabas na kalatas ng QCPD, mariing kinokondena ng pulisya ang maling asal ng dalawang pulis at tiniyak na mahaharap sa mga kasong administratibo.

“The QCPD reiterates its firm stance, with the guidance and directive of NCRPO Regional Director, PMGen. Anthony A. Aberin, that misconduct, abuse of authority, and any behavior unbecoming of a police officer will not be tolerated under any circumstances. Should the allegations be proven true, both criminal and administrative sanctions will be pursued without delay,” ayon pa sa kalatas ng QCPD.

“The QCPD stands resolute in its commitment to uphold the highest standards of integrity, discipline, and professionalism. We assure the public that we will take decisive action to maintain the trust entrusted to us, ensuring full accountability and zero tolerance for misconduct within our ranks,” ayon sa pulisya ng QC.

Kaugnay nito, ayon kay P/MGen. Aberin, ang NCRPO ay may polisya na hindi na nagbibigay ng ikalawang tsansa sa mga pulis na lumabag sa batas.

“As members of the PNP, we adhere to a higher standard of propriety and professionalism. NCRPO’s actions against police misconduct will always be swift, decisive and uncompromising.

“After finding probable cause of their violations, they were placed on custody and will be charged criminally and administratively,” pahayag ni Aberin. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Online Betting Gambling

Bans don’t work: Like liquor, gambling won’t disappear even if prohibited

As calls to ban online gambling grow louder, longtime liquor retailers are reminding policymakers of …

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

Mga katutubo sa Gitnang Luzon buong suporta sa Aredumstrico

TIWALA at suportado ng mga katutubong Aeta at Remontado Dumagat ang mga programang pangkabuhayan ng …

Marilao Bulacan Police PNP

3 “tsongki” boys huli sa pot session; Damo, boga nakumpiska

ARESTADO ang tatlong indibidwal sa ikinasang anti-drug operation ng mga awtoridad sa Brgy. Loma De …

Arrest Shabu

Bossing ng mga tulak timbog sa Nueva Ecija

NAGWAKAS ang pamamayagpag ng isang notoryus na tulak sa lalawigan ng Nueva Ecija nang madakip …

BingoPlus Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay

Bakit nakangiti pa rin ang mga Pinoy kahit mahirap ng buhay?

ANG mahal mabuhay sa panahon ngayon, lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga …