Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Along Malapitan

Along Malapitan nanguna sa mga Batang Kankaloo

ITINAAS na ng Commission on Elections (Comelec) board of canvassers ang kamay ng nanalong alkalde ng Caloocan City na si Dale Gonzalo “Along” Malapitan matapos tambakan ng boto ang matibay na kalabang si dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV at tatlong iba pa.

Nakakuha si Malapitan ng 348,592 votes laban kina Trillanes IV, Danny Villanueva, Richard Cañete, at Ronnie Malunes.

Pasok din ang running mate na si Vice Mayor Karina Teh na nakakuha ng 351,299 votes laban sa katunggali na sina  PJ Malonzo, Dante Lustre, Joseph Timbol, at Rolando Tobias.

Samantala, nanatili sa puwesto bilang  Caloocan 1st District Representative si Oscar Malapitan, habang nakabalik si Rep. Edgar Erice sa 2nd District matapos ilampaso si incumbent representative Mitch Cajayon; at nanatili si Dean Asistio sa 3rd District. (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …