Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Kiko isinusulong murang pagkain para sa mga Pinoy

RATED R
ni Rommel Gonzales

MADAMDAMIN ang naging pahayag ni Sharon Cuneta sa sinabi niyang, “Now, sa dami ng nakasama ko, sa lahat ng nakilala ko, isa lang ang nagsabing she was going to have a presscon with our showbiz friends for Kiko and that’s Mother Lily’s daughter, Roselle.”

Isang mediacon kasama ang entertainment media ang ipinatawag nina Roselle at anak niyang si Keith Monteverde ng Regal Entertainment para sa kandidatura ni Atty. Francis “Kiko” Pangilinan bilang Senador (#51 sa balota) sa May 12 elections.

Ani Sharon., “I am forever grateful to the Monteverdes, we will never forget them, my heart is so full ‘pag sinabing Monteverde parang… abot-langit ‘yung pagka-touch ko, pagka-touch namin.

“So we’re very grateful.”

Sis na nga ang tawagan nila ni Roselle dahil parang ina na ang turing ni Sharon kay Mother Lily noong nabubuhay pa ang Regal matriarch.

Pagpapatuloy pa ni Sharon, “Umpisa pa lang tinutulungan na niya si Kiko, tapos ako binigyan niya ng project [Mano Po 6: A Mother’s Love noong 2009].

“You know? And they’re the ones na hindi ko nakasama from the beginning, ha? So it means so much more.

Parang sila lang ‘yung talagang voluntarily laging tumutulong sa kanya [Kiko], tumutulong sa akin.

“So thank you Sis, thank you,” patungkol ni Sharon kay Roselle.

Isa pang nakatutuwa ay ang pagdating ni Keith sa mediacon kahit may sakit ito. Hindi niya pinalampas ang pagkakataon na ipakita ang suporta sa senatorial candidate, suporta na sinumulan ng lola niyang si Mother Lily many years ago.

Samantala, ang plataporma ni Atty. Kiko ay ang pagsulong ng murang presyo ng pagkain tulad ng bigas, baboy, manok, at gulay.

Ginawa rin ni Atty. Kiko ang Sagip Saka Act na diretsong bibili ang national at local government units sa mga magsasaka at kooperatiba para wala ng mga ahenteng namamagitan kaya mas malaki ang kita sa pagsasaka at ang pagkain ay mas mura at masagana.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …