Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pia Cayetano Padel Pilipinas
SUPORTADO ni Sen. Pia Cayetano (pangalawa mula sa kaliwa) founder ng Padel Pilipinas ang mga National coaches at manlalaro ng padel para palaganapin ang sports sa buong kapuluan na kaniyang inihayag sa pulong balitaan ng Padel Pilipinas kamakailan. Kasama sina (mula sa kaliwa), Head coach Bryan Casao, Assistant head coach at team captain LA Canizares, National team player Joanna Tao Yee Tan (APPT Rank 2) at Atty. Jacqueline Gan Executive Director. (HENRY TALAN VARGAS)

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng padel, lalo na sa usapin ng pagbubukas ng mas maraming oportunidad sa sports bilang kabuhayan.

“You join the national team for God and the glory of the country. Uuwi ka for pride… pero hindi mo ikayayaman ‘yan. But they can make a good living as a coach. That’s what I’m trying to build for them—these opportunities,” wika ni Cayetano sa Padel Pilipinas press conference nitong May 1, 2025.

Sabi ni Cayetano, na isa ring padel player at mahilig sa palakasang ito, gusto niyang palaganapin ang padel sa buong bansa pero hindi ito mangyayari kung walang maayos na pasilidad at tulong mula sa mga lokal na pamahalaan.

“‘Yung mga tennis players, dumadayo sa probinsya. Iyon din ang dream ko sa padel — na magpapa-tournament din sila doon, tapos ang Philippine team ang pupunta para i-demo sa mga baguhan,” sabi niya.

Higit sa pagiging competitive, pinaalala rin ni Cayetano ang kahalagahan ng magandang sportsmanship at asal sa paglago ng palakasan sa bansa. 

“You can win and be a gentleman or a lady in every sense of the word,” aniya. “Gusto ko ipakita nila na magaling ka pero you are humble… Ayoko nang yabangan. Gusto ko rin yung maayos na cheering, hindi yung babastusin mo yung kalaban.”

Tiwala si Cayetano na hindi lamang magiging competitive sport ang padel, kundi ito ay magiging plataporma din para sa kabuhayan, character-building, at national pride. (HNT) 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …