Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali
ANG presidente ng PNVF na si Ramon “Tats” Suzara (gitna, harapang hilera) kasama sina (mula kaliwa, nakatayo) FIVB Beach Volleyball Technical Delegate Baz Wedmeir, PNVF secretary-general Don Caringal, sports programs at events management consultant Dzi Gervacio, at PNVF board member Tonyboy Liao kasama ang mga nanalo sa paligsahan.

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa loob ng dalawang linggo matapos magwagi sa Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali laban sa koponang Hapones na sina Sakura Ito at Mayu Sawame, sa iskor na 21-18, 21-14, nitong Linggo sa Lungsod ng Santa Rosa, Laguna.

Matapos ang kanilang pagkapanalo sa Asian Volleyball Confederation Beach Tour Phu Yen Open sa Vietnam noong nakaraang linggo, ipinagpatuloy ng mga Kiwi ang kanilang magandang laro para masungkit ang sunod-sunod na gintong medalya, kasunod ng dalawang silver finishes, kabilang na ang AVC Beach Tour Nuvali noong nakaraang buwan.

“Masaya kaming makabalik dito at makakuha ng ginto,” ani Polley. “Talagang natutuwa kami. Nakakalaro kami nang tuloy-tuloy at ang matapos ang dalawang linggo na may dalawang ginto ay kamangha-mangha.”

Nagwagi naman sina Lubos Nemec at Adrian Petruf ng Slovakia sa isang napakatinding laban kontra kina Eylon Elazar at Kevin Cuzmiciov ng Israel, sa iskor na 21-15, 18-21, 19-17, para sa gintong medalya sa men’s division.

Tinalo nina Elazar at Cuzmiciov ang mga Pilipinong sina James Buytrago at Rancel Varga sa quarterfinals ng torneo na inorganisa ng Philippine National Volleyball Federation sa pamumuno ni Ramon “Tats” Suzara, na siya ring pangulo ng Asian Volleyball Confederation at Executive Vice President ng FIVB.

Binigyang-diin nina Polley at Macdonald na ang paglahok sa mga FIVB Volleyball World tournaments tulad ng BPT Futures Nuvali, na nilahukan ng mga koponan mula sa 19 na bansa, ay may kakaibang hamon at masaya silang nagwagi sa kabila nito.

“Mataas talaga ang antas ng kompetisyon. Hindi mo alam kung ano ang aasahan. Alam naming magiging mahirap ito at nakalaban namin ang ilang napakahuhusay na koponan,” sabi ni Polley.

Pinuri naman ni Macdonald ang mga Haponesa na umani ng paghanga mula sa mga manonood dahil sa kanilang determinasyon.

“Napakahusay ng kanilang depensa. Kahanga-hanga rin ang kanilang mga serve. Lagi silang masarap kalaban dahil iba talaga ang estilo ng kanilang laro,” sabi ng dating manlalaro ng University of Arizona.

Nakamit nina Ieva Dumbauskaite at Gerda Grudzinskaite ng Lithuania ang bronze medal sa women’s division matapos talunin sina Beata Vaida at Francesca Alupei ng Romania, sa iskor na 21-19, 19-21, 19-17.

Sa kanilang paglalakbay patungo sa medal round, tinalo nina Vaida at Alupei ang mga Pilipinang sina Kat Epa at Honey Grace Cordero sa Round of 12, at pinatalsik naman sina Sisi Rondina at Bernadeth Pons sa quarterfinals.

Sa men’s division, ang bronze medal ay nasungkit nina Oskars Bulgacs at Matiss Graudins ng Latvia matapos talunin ang mga Griyego na sina Stavros Ntallas at Dimitris Chatzinikolaou, sa iskor na 21-15, 19-21, 15-5. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …