Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
LA Cañizares Tao Yee Tan Padel Pilipinas
MATAGUMPAY na nagtapos ang Team Padel Pilipinas sa APPT KL Open (L-R: Qoqo Allian, Princess Naquila, Jed Aquino, Yam Garsin, Tao Yee Tan, Coach Jaric Lavalle, at National Team Captain LA Cañizares)

Padel Pilipinas, Kampeon sa Pro Mix ng APPT Kuala Lumpur Open

NAGPAMALAS ng husay ang ating mga atleta matapos masungkit nina LA Cañizares at Tao Yee Tan ang kampeonato sa Pro Mixed Doubles ng Asia Pacific Padel Tour (APPT) Kuala Lumpur Open, na ginanap sa Ascaro Social & Padel Club

Nagpakitang-gilas ang dalawa sa finals nang talunin nila ang mahigpit na katunggali mula Russia at Australia—sina Irina Chernaya at Tim Brown, na limang beses nang naging kampeon sa Mixed Pro ng APPT—sa isang kapana-panabik na laban na nagtapos sa iskor na 7-5, 5-7, 6-4. 

Matapos ang laban, ibinahagi ni LA Cañizares, “It feels amazing to win on this stage. We’ve been training hard for moments like this, and we’re grateful to bring this home for the Philippines.” Ayon naman kay Tan, “This victory is for everyone who believes in us and supports padel back home. We hope this inspires more Filipinos to pick up a racket and join the sport we love.”

Ipinamalas pa ni Tan ang kanyang galing at determinasyon sa Pro Female Doubles Final, kung saan nakapareha niya si Mariam Yasmin Garsin laban kina Kotomi Ozawa ng Japan at Elisabeth Nogueras ng Spain. Matapos matalo sa unang set, bumawi sina Tan at Garsin sa ikalawang set—naka-save ng limang match point at nakuha ang lahat ng golden points—bago tuluyang nabigo sa huling set, 6-0, 7-6 (2-7). Ang husay ni Tan at Garsin ay patunay ng lumalakas na kompetisyon mula sa mga Pilipino sa larangan ng international padel.

Bilang pagkompleto sa matagumpay na kampanya, lahat ng miyembro ng Team Padel Pilipinas ay umabot sa hindi bababa sa quarterfinals ng kanilang mga kategorya. Si LA Cañizares, kasama si Qoqo Allian, ay umabot sa Pro Male Quarterfinals, habang sina Princess Jean Naquila at Jed Vallie Rayne Aquino ay nagtala rin ng quarterfinal finish sa Pro Female Category. Ang kanilang mga performance ay malaking ambag sa matatag na representasyon ng Pilipinas sa buong torneo.

Ipinahayag ni Senator Pia S. Cayetano, Tagapagtatag ng Padel Pilipinas, ang kanyang labis na pagmamalaki sa koponan. “We are incredibly proud of LA and Taoyee for bringing home the championship and showcasing the world-class talent of Filipino padel athletes. To Taoyee and Yam for their impressive finals finish, and to the rest of the team for reaching the quarterfinals—your dedication and passion continue to inspire. Mabuhay kayo!”  aniya.

Ang APPT Kuala Lumpur Open, na ginanap mula Abril 25 hanggang 27, ay nilahukan ng mga nangungunang padel athletes mula sa buong Asya at iba’t ibang panig ng mundo—kabilang na ang mga bansang may matatag na kasaysayan at malawak na suporta para sa padel. Ipinapakita ng internasyonal na lineup ng torneo ang patuloy na paglawak ng padel sa buong mundo at ang lumalaking interes dito sa rehiyon ng Asya. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …