Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang 27 sa Smart Araneta Coliseum, tahanan ng pinaka-prestihiyosong paligsahan ng sabong sa buong mundo. Kilala bilang “Olympics of Cockfighting,” muling magsasama-sama ang mga elite na breeders at magigiting na manok panabong sa isang kapana-panabik na pagtatanghal ng husay, diskarte, at tradisyon sa invitational 9-cock derby na ito.
Kasunod ng tagumpay ng unang derby ngayong taon, muling magbabalik ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup. Sa unang paligsahan, ang pinagsamang entry nina J. Bacar/RCF/B. Joson/E. Brus/F. Maranan ang itinanghal na nag-iisang kampeon. Ang kanilang entry na D’ Shipper RS-BBB RCF E’Bros-Balaraw ay nagtala ng malinis na 9-0 panalo-talo na rekord—isang pambihirang tagumpay na nagbigay sa kanila ng prestihiyosong titulo sa makasaysayang venue noong Enero 26.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay Glo Avena sa 8588-4000. (HNT)