Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang summer sports spectacle sa darating na Abril 24 sa edisyong tinatawag na “The Great Revival.”

“Walong yugto ng teknikal na pagbibisikleta sa pagitan ng mga siklista at ng kani-kanilang mga koponan,” ayon kay Arrey Perez, Chief Regulatory Officer ng Metro Pacific Tollways Corporation, ang tagapagtaguyod at pangunahing sponsor ng karera na inorganisa ng DuckWorld PH kasama ang Cignal TV bilang Official Media Partner.

“Mula simula hanggang dulo, mula Yugto 1 hanggang sa ‘queen stage’ na huling Yugto 8 sa Camp John Hay, hindi lamang ito karera kung sino ang pinakamalakas, kundi kung sino rin ang pinakamatalino,” ayon kay Patrick “Pató” Gregorio, presidente ng DuckWorld PH, tungkol sa karera na sinusuportahan ng MVP Group—Meralco, Metro Pacific Investment Corporation, Maynilad, Smart, PLDT, Landco Pacific Corporation, mWELL, at Megaworld.

Labimpitong koponan na may tig-pitong riders bawat isa—kabuuang 119 siklista—ang sasabak sa 1,074.90 kilometro ng Tour of Luzon na magsisimula sa Abril 24 sa pamamagitan ng 190.70-km Paoay-Paoay Yugto 1, 68.39-km Paoay-Vigan team time trial Yugto 2, 130.33-km Vigan-San Juan Yugto 3, 162.97-km Agoo-Clark Yugto 4, 166.65-km Clark-Clark (via New Clark City) Yugto 5, 168.19-km Clark-Lingayen Yugto 6, 15.14-km individual time trial Labrador-Lingayen Yugto 7, at sa huli ang “queen stage” na 172.53-km mula Lingayen patungong Scout Hill sa loob ng Camp John Hay sa Baguio City.

Isang milyong piso ang naghihintay sa champion team habang P500,000 naman ang matatanggap ng individual champion sa Tour of Luzon, na nakipag-partner sa Cardinal Santos Medical Center (Opisyal na Medical Partner), GO21 (Opisyal na Logistics Partner), Dong Feng Motors (Opisyal na Sasakyan), Victory Liner, Digital Out of Home (DOOH), Public Safety Savings and Loan Association, Inc. (PSSLAI), Unilab, Huawei, Toyota, MVP Group/We Are Sports, at Pilipinas Live.

Ang mga kalahok na koponan ay ang 7-Eleven Cliqq Roadbike Philippines, Standard Insurance Philippines, Go For Gold Philippines, Victoria Sports Pro Cycling Team, Philippines Under-23-Tom N Toms Coffee, Excellent Noodles, DReyna Orion Cement, Dandez T-Prime Cycling Team, Exodus Army, MPT Drive Hub Cycling Team, 1 Team Visayas, One Cycling Mindanao, at Team Pangasinan.

Mayroon ding mga banyagang koponan tulad ng CCN Factory HK mula Hong Kong, Malaysia Pro Cycling, Bryton Racing Team mula Taiwan, at Gapyeong Cycling Team mula South Korea. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …