Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals nang agad itong tumutok sa hinaharap, inanunsyo ang pagbubukas ng aplikasyon para sa inaabangang 2025 PVL Rookie Draft.

Isang dramatikong tagumpay ng Petro Gazz kontra sa 10-beses na kampeon na Creamline sa sudden-death Game 3 ang naging huling kabanata ng makasaysayang anim na buwang All-Filipino Conference, na kinabiliban ng mga fans at lalong nagpatibay sa reputasyon ng liga.

Bagama’t walang rookies na nakalaro sa Finals, ilan sa kanila ang naging breakout stars ng conference. Tampok dito sina Thea Gagate ng ZUS Coffee, Ishie Lalongisip ng Cignal, at Julia Coronel ng Galeries Tower. Ang kanilang mga pagganap ay lalong nagpamalas ng lalim at potensyal ng mga susunod na bituin ng liga.

Bunsod ng mabilis na paglago ng PVL at pag-usbong ng mga batang talento, opisyal nang binuksan ng liga ang online application para sa 2025 Rookie Draft simula Lunes, Abril 21. Kailangang punan ng mga nagnanais maging pro ang application form sa http://pvl.ph/draft at isumite ang mga kinakailangang dokumento sa [email protected]. Tatagal ang application window hanggang Mayo 23, at ilalabas ang pinal na listahan ng mga aplikante sa Hunyo 4.

Gaganapin ang PVL Rookie Draft Ceremony sa Sabado, Hunyo 7.

Samantala, kinakailangang babae sa kapanganakan ang aplikante, batay sa birth certificate mula sa PSA. Dapat ay 21 taong gulang na siya o higit pa sa o bago mag-Disyembre 31, 2025. Ang mas bata sa 21 ay kailangang nagtapos na sa kolehiyo. Walang kinakailangang collegiate playing experience o academic units.

Para sa mga Filipino-foreign applicants, kailangang magpakita ng Philippine passport o resibo ng paglalabas nito bago ang Mayo 23 deadline.

Kung ang aplikante ay naglaro sa kolehiyo sa Pilipinas pero hindi sa UAAP o NCAA, kailangan niyang magsumite ng endorsement letter mula sa kanyang collegiate coach o athletic director. Kung hindi naman siya naglaro sa UAAP o NCAA, kinakailangan ng endorsement mula sa isang rehistradong coach sa PVL, UAAP, o NCAA.

Kailangan ding magpasa ng fit-to-play medical clearance mula sa isang lisensyadong doktor, pati na rin ng medical declaration. Kasama rin sa requirements ang isang notarized declaration na nagsasaad na wala siyang pending obligations sa kanyang collegiate o club team.

Ang draft lottery ay gaganapin sa Mayo 26.

Magkakaroon ng 40% tsansa ang NXLED na makuha ang first overall pick, habang 30% naman sa Capital1, 20% sa Farm Fresh, at 10% sa Galeries Tower.

Ang natitirang draft order para sa first round ay ang mga sumusunod: ZUS sa ikalima, Cignal sa ika-anim, Chery Tiggo sa ikapito, Choco Mucho sa ikawalo, PLDT sa ika-siyam, Akari sa ika-sampu, Petro Gazz sa ika-labing-isa, at Creamline sa ika-labindalawa.

Ang apat na koponang may pinagsamang pinakamababang record mula sa 2024 PVL Reinforced Conference (1/3) at 2024–2025 PVL All-Filipino Conference (2/3) ang lalahok sa lottery.

Ang mga aplikanteng makapapasa sa paunang screening ay kailangang dumalo sa three-day PVL Draft Combine mula Mayo 30 hanggang Hunyo 1. Obligado ang pagdalo ng lahat ng naimbitahang aplikante. Kasama sa aktibidad ang mga physical measurements, medical tests, interviews, athletic tests, at scrimmages sa harap ng mga coach at opisyal. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …