NAPASAKAMAY ni Woman National Master at Arena FIDE Master Antonella Berthe Racasa sa mismong Araw ng Kagitingan, 9 Abril ang titulo bilang kampeon ng 1st Battle of the Calendrical Savants Tournament na ginanap sa Eurotel Vivaldi Tower sa Cubao, Quezon City.
Dinomina ni Racasa ang eight-man field upang makuha niya ang titulo sa three-rounder contest na sinubok ang kakahayan ng mga kalahok sa pagmemorya ng mga araw at petsa sa kalendaryo.
Nagwagi bilang first runner-up si Rommel Cariño, may dikit na agwat na 11 puntos kay Racasa base sa final scores na ibinigay ng mga hurado; habang si Jeanne Marie Arcinue naman ay nanalo ng second runner-up.
“It wasn’t an easy task. It was all difficult rounds but I think from my practice to here, I did well. I am excited for the hard challenge because I would be training more and challenging more to learn and have fun,” ani Tonelle.
“Of course, I’m looking forward sa higher level of competition with the calendrical savants but that will happen only when its God’s time,” dagdag ni Rommel.
Para sa main organizer at 7-time World Memory Championship Philippine bet Roberto “Memory Man” Racasa, masaya siya sa naging turnout ng nasabing competition na nagpamalas ng angking galing sa memory sports hindi lang ang mga kabataan kundi ang mga beterano sa memory sports.
“Makikita natin sa mga sumaling kabataan, that’s very tough kasi kailangang nilang i-memorize ang codex information at ‘yung fast lightning ng calculation involved para mag-come up with a fastest answer on a quick time. We do hope na ‘yang mga young competitors in the soonest time, sila naman ang mag-represent ng bansa sa mga international competitions,” pahayag ni Memory Man.
Balak ni “Memory Man” na magkaroon ng training camp at competition sa Visayas at Mindanao sa mga susunod na buwan at ang mananalo sa mga nasabing legs ay isasalang sa Battle of the Champions na mangyayari sa Disyembre kung kailan inimbitahan rin ang mga international competitors gaya ng Germany, USA, Japan, Mongolia at iba pa.
Nagpapasalamat si Racasa sa suporta na ibinigay ng Eurotel Hotel, NJC Peak Designs, Legal Edge Review Center, Jessie Villasin, PHILRACOM at sa mga tagapagtaguyod sa nasabing unang torneo. (HATAW News Team)