ni MARLON BERNARDINO
NAGBUNYI ang Filipino sports enthutiasts nang pumasok sa
semi finals round ng Miami Open ang Philippine teen tennis ace na si Alexandra “Alex” Maniego Eala nang gapiin ang kanyang idolong five-time grand slam champion at World No. 2 na si Iga Swiatek ng Poland, 6-2 , 7-5, Huwebes ng madaling araw (Manila Time) sa Hard Rock Stadium sa Miami, Florida, USA.
Sa napakalaking panalo kontra sa kanyang idolo, si Eala, na kasalukuyang nasa No. 140, ay nakapasok sa elite Women’s Tennis Association (WTA) Top 100 sa unang pagkakataon sa kanyang tumataas na karera.
“I don’t know what to say, I mean, complete disbelief right now and I am on cloud nine,” sabi ng 19-anyos na si Eala sa on-court interview.
“It’s forever in my heart,” dagdag ni Eala .
Bilang isang Wildcard entry, unseeded player sa 128 players field na ito, ang Cinderella run ni Eala ay umabot sa Miami Open Final Four, tinalo ang Top-25, Top-5 at Top-2 na mga manlalaro, tinalo ang tatlong grand slam ki ki champion at hindi natalo ni isang set.
Makakaharap ngayon ni Eala ang mananalo sa quarterfinal sa pagitan ng dating British No. 1 na si Emma Raducana at World No. 4 Jessica Pagula ng USA para sa semis.
Sa kabilang semifinal, makakalaban ni World No. 1 Belarusian Aryna Sabalenka si Jasmine Paolini ng Italy.
Nakipaglaban si Sabalenka sa ikalawang set para makapasok sa semi-finals ng Miami Open sa pamamagitan ng 6-2, 7-5 panalo laban kay Zheng Qinwen ng China.
Samantala, lumipat si Paolini sa semi-finals sa pamamagitan ng 6-3, 6-2 panalo laban kay Magda Linette ng Poland.