Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Buhain Balayan, magiging sentro ng swimming sa Batangas

Buhain: Balayan, magiging sentro ng swimming sa Batangas

Asahan ang mas maraming regional at national tournaments na gaganapin sa Batangas sa pagtatapos ng Balayan Aquatics Center Phase 2 construction ngayong taon.

Sinabi ni Batangas 1st District Rep. Eric Buhain na ang lahat ay kasado na para gawing sentro ng swimming hub sa rehiyon ng Southern Tagalog ang Balayan, kasunod ng pagpapatayo ng isang eight-lane Olympic-size pool nitong nakaraang taon, isang lap at training pool ay gagawin bilang karagdagang mga pasilidad.

“Kailangan natin palakasin ang swimming program natin sa grassroots level at hindi natin matutugunan ito kung walang mga high-standard facilities na magagamit ang ating mga batang swimmers, particular sa ating mga regional areas,” ani Buhain, also the Secretary-General of the Philippine Aquatics, Inc.

Kasama ang maybahay  at dating Congresswoman Eileen Ermita-Buhain, mga local na opisyal, at mga kinatawan mula sa Department of Public Works and Highwa, pinasinayahan ng swimming legend ang groundbreaking ceremony nitong weekend.

Ang kaganapan ay kasabay ng Congressman Eric Buhain Cup na umakit sa mahigit 500 bata mula sa mga inimbitahang paaralan, swimming club, at local government units (LGUs) sa Maynila at sa rehiyon ng Timog Katagalugan.

Nanguna ang Quezon Killerwhale Swim Team sa team competition sa event na sinuportahan ng Speedo na nakakuha ng kabuuang 634.50 points na sinundan ng University of Perpetual Help University na may 535 points. Kabilang sa top 5 ang Wild Splashers Swim Team (423.50), Aqua Sonic Swimming Team (381.50) at Southpick Blueshark (379).

Samantala, inihayag ni PAI Executive Director Anthony Reyes na ang pagpaparehistro para sa seminar ng coach sa Marso 24-25  sa Orchid Garden Hotel ay sarado na kung saan 120 PAI-member coaches ang kumpirmadong lalahok sa dalawang araw na kaganapan kasama si Canadian Olympic coach Derric Schoof bilang tagapagsalita.

Ang Canadian mentor ay ang coach ni Kayla Sanchez noong panahon niya bilang bahagi ng Canadian swimming team na nanalo ng Olympic medal sa relay event. Ang 24-old na si Sanchez, ngayon ay nangungunang manlalangoy ng bansa ay tinanghal na ‘Swimmer of the Year’ kamakailan ng Canada Aquatics. (Hataw Sports)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …