Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arra Corpuz WuNa Team Philippines
DUMALO sina playing Coach Arra Corpuz (kaliwa) kasama ang WuNa Team Philippines sa lingguhang Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) "Usapang Sports" noong Huwebes ng umaga sa PSC Conference Hall, sa Rizal Memorial Sports Complex, Malate, Manila. (HENRY TALAN VARGAS)

WuNa Team Philippines kumolekta ng 45 golds sa Hong Kong wushu tourney

Tila nasa alapaap pa rin ang Wushu Arena Quezon City (WuNa Team Philippines) matapos mapanalunan ang 45 na mga medalya sa 20th Hong Kong International Wushu Championships na ginanap sa Hong Kong nitong February 28 hanggang March 3. 

Nag uwi ang WuNa Team Philippines na unang beses na sumalang sa international competition ng 34 ginto, 4 pilak at 7 bronze medals kasama na ang special awards na Overseas Martial Arts Ambassador at Excellent Coach Award para kay playing coach Arra Corpuz.

Sa pagdalo nila sa lingguhang Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports nitong Huwebes ng umaga sa PSC Conference Hall, sa Rizal Memorial Sports Complex, Manila. Sinabi ni Corpuz na malaki ang pinagpasalamat nila dahil sa kanilang unang sabak sa overseas tourney ay nag uwi ng malaking medal output para sa koponan.

“Were very surprised and overwhelmed with recognition that we recieved, were looking forward to more competitions locally and internationally at sana po makapagsali din kami hopefully sa national team.”, sinabi ni Corpuz sa “Usapang Sports” na sinuportahan ng Philippine Sports Commission, Pocari Sweat at Behrouz Persian Cuisine.

Dagdag pa niya, nabigla din sila nang makuha nila ang imbitasyon para sa isang wushu demonstration team na sumali sa malakihang competition lalo na nakatapat nito ang mga koponan mula sa 50 mga bansa.

“Gulat kami at nanibago kami sa mga routines kasi medyo late naming nalaman at di namin ineexpect na magkaroon ng competition at mag-qualify sila.”, wika ni Corpuz.

Ibinida naman ni Corpuz ang mga pinaghahandaan na competition ng koponan sa natitirang bahagi ng 2025.

“Since kakabuo last year at first yung Hong Kong, for this year, were planning to compete Carl [Ramirez] and Chloe [Maniquis] since nasa secondary age bracket sila ng 13-17 sa NCR Palaro meet and Batang Pinoy for Wushu – Taolu. Were also looking at joining again sa Hong Kong for next year since were invited again and eyeing other wushu championships internationally next year.”, huling sambit niya.

Hinihikayat din ni Corpuz ang mga kabataan na matutong mag-Wushu at mag-Aikido sa kanilang clinics na isinasagawa tuwing weekend sa 4th floor ng Fisher Mall, Quezon City.

Bukod kay Corpuz, Carl Ramirez at Chloe Maniquis, dumalo rin sa Usapang Sports ang iba pang miyembro ng WuNa Team Philippines na sina Diane Basa, Sha Liwanag, John-T Duran, Carl Ramirez, Bede Ramirez at Lucas Maniquis.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …