I-FLEX
ni Jun Nardo
INIYAKAN ni Sharon Cuneta ang pagkamatay ng alaga nilang baboy na ang pangalan eh Bacon.
Ikunuwento ni Shawie sa kanyang Instagram ang hindi na paggising ni Bacon na bago pumanaw eh hindi na rin kumain.
Nagbigay ng kasiyahan at pagmamahal si Bacon sa pamilya ng megastar na mas barkada ang kanilang aso kaysa kapwa niya baboy.
Natuto nga raw “kumahol” si Bacon gaya ng asong barkada.
March 1 namatay si Bacon na 13 years old.
Pagbigyan niyo na ang trip ni Shawie at huwag basagin, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com