Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
GAT Gawang Atin To 2

GAT P-pop Boy Group hinamon SB19 

ni Allan Sancon

HANDA na ang bagong boy group na GAT, short for “Gawang Atin ‘To” para sa P-Pop scene sa pamamagitan ng kanilang mga kakaibang tunog at sayaw.

Binubuo ang GAT ng limang miyembro—Ethan David, Charles Law, Michael Keith, Derick Ong, at Hans Paronda under the management ng Ivory Music at Viva Artists Agency ( VAA).

Napansin ang galing ng grupong GAT nang kantahin nila sa kanilang pre-debut video performance noong January, ang hit song  ni James Reid na Huwag Ka Nang Humirit na binigyan nila ng kakaibang flavor na tunog at sayaw. Inawit din ng grupo ang pinasikat na kanta nina Juan Caoile at Kylewish na Marikit.

Pero ang sikat na awiting Daleng-Dale ng MMJ ang lalong nagpakilala sa GAT sa P-Pop scene nang bigyan nila ito ng kakaibang rendition na naging isa rin sa original soundtrack ng sikat na series sa Viva One, ang Mutya ng Section E na kasalukuyan ay #8 sa Spotify Philippines‘ Daily Viral Songs Chart. 

Naging viral din sa Tiktok ang awit ng GAT na ito nang kumasa sa dance challenge ang mga sikat na Tiktokers.

Hinahamon nga ng GAT ang kanilang mga idol na SB19 na kantahin at sayawin din ang kanilang hit song na Daleng-Dale.

Bukod sa pagiging matagumpay na P-Pop boy group ang GAT ay may mga solo career din ang bawat miyembro dahil ang ilan sa kanila ay bahagi ng series na Mutya ng Section E.

Pangarap ng GAT na tulad ng ibang sumikat na P-Pop group ay makilala rin ang kanilang grupo internationally at magkaroon ng World Tour Concert.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …