Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rhian Ramos Cookie Bakery Fair 2025 2

FCBAI magbibigay ng P150K sa  Bakery Fair 2025

I-FLEX
ni Jun Nardo

RHIAN Ramos Day ang simula ng tatlong araw ng Bakery Fair 2025 na magsisimula sa March 6 hanggang March 8 na gaganapin sa World Trade Center.

Ipatitikim ni Rhian ang mabenta niyang  cookie sa ganap na 11:30 a.m. sa project na How To Bake A Frozen “Bas Cake” Cookies na minaster ng todo ng Kapuso artist .

Bahagi lang ang payanig ni Rhian sa event na handog ng Filipino-Chinese Bakery Association, Inc. (FCBAI) na pinamumunuan ng president nitong si Christopher Ah.

Of course, marami pang activities na masasaksihan na open to the public. Exciting ang The Baker’s Cup na magbabakbakan ang top talents ng bansa para sa Flour Masters: Bread Baking Competitionat ang Cake Illusion: Hyper Realistic Cake Art Competition and finally, ang Grand Regal Tiers Wedding Cake Display Competition na ang mananalo ay makapag-uuwi ng PHP150,000 grand prize para sa most inspiring creation.

Isa lang ang Bakery Fair sa civic projects ng FCBAI led by President Ah and EVP Wilson Flores and others.

Huwag palampasin ang Bakery Fair 2025.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …