Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Janice de Belen

Sharon ibinuking Janice malakas sumampal

ni Allan Sancon

Sa wakas ay mapapanood na sa free tv at iba pang digital online ng ABS-CBN ang isa sa pinag-uusapang teleserye, ang Saving Grace: The Untold Story na pinagbibidahan nina Julia Montes, Sharon Cuneta, Janice de Belen, Elisse Joson, Sam Milby, Eric Fructuoso, Jenica Garcia, Christian Bables, at ang bagong child wonder ng Kapamilya, si Zia Grace.

Marami ang pinaluha ng seryeng ito nang ipalabas sa Prime Video at ngayon ay ipalalabas na sa free tv na tiyak na mas maraming kaabang-abang na eksena. Isa nga rito ang ipinakita sa trailer na sampalan nina Janice at Sharon. 

One of the preparation sa sampal ay ‘yung sa lines na importante sa amin, also blocking. 

“Kasi ‘di ba ‘pag ganyang may sampalan gusto mo sana take 1 lang kasi nakakasakit ka eh. Huwag na tayong umarte, minsan masakit talaga. 

“Ang gusto mo ay hindi ka ma-take 2 kasi uulitin mo ‘yun, masasaktan at masasaktan din siya. 

“You try and make sure that  you give your best sa eksenang ‘yun,” kuwento ni Janice.

Tinanong kami ni direk before the sampalan kung gusto ba namin ‘yung tunay or daya? 

“Old school kami pareho eh, halos sabay kaming nagdalaga, sabi namin tunay dapat. Okay sana ‘yung tunay, nakakailang kung hindi. Pero ang liit na tao ni Janice pero ang lakas manampal ha,” sabi naman ni Sharon.

Kaya The Untold Story dahil ‘yung mga hindi ipinakitang eksena sa Prime Video ay mapapanood sa TV. 

Magsisimula na itong ipalabas sa March 3 (Monday) 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …