Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nijel de Mesa Subtext

Nijel de Mesa’s literary masterpiece na “Subtext,” isa na ngayong Musical!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MARAMI na ang nakalimot na ang award-winning na international film director-writer-producer na si Direk Nijel de Mesa ay unang nakilala sa teatro? Isa sa mga unang obra niya na nagbigay sa kanya ng pagkilala ay ang kanyang dula na “Subtext,” na nanalo ng 1st Prize sa Don Carlos Palanca Awards for Literature.

Kalaunan, ito ay naging isang full-length movie at ngayo’y isang nakakakilig na musical na!

Ang kuwento ay umiikot sa mga pagsubok sa pakikipag-relasyon at komunikasyon. Kasama sa mga naunang cast noon ang mga bantog at kilalang artista na tulad nina Victor Neri, Soliman Cruz, Lou Veloso, Harlene Bautista, Paolo Contis, Ciara Sotto, Boboy Garovillo, at Nova Villa.

Ngunit sa kasalukuyang bersiyon na ito na isang musical ay tiyak na magugustuhan ng mga magkasintahan at pati na rin ang mga single ngayong buwan ng pag-ibig (sa Pebrero)! Ang “Ayoko Na, Talo, Ewan Ko, Meron Din Kaya, Ayoko na Hindi Ikaw” ay ilan lamang sa mga bagong orihinal na kanta na isinulat mismo ni Direk Nijel para sa dula, at ang mga musical arrangements ay ginawa ni Jopper Ril.

Ang touring musical na ito ay dapat abangan ng ating mga kababayan abroad!

Ang premiere cast ng musical version na ito ay kinabibilangan nina Shane Santos, Cherry Morena, Ced Recalde, Karl Tiuseco, Gaye Angeles, at Jiro Custodio mula sa NET25’s Star Kada. Produced ng “One Acts Theater” division ng NDMstudios ang “Studio Run” na ito.

Huwag palampasin ang kanilang natitirang performances sa Pebrero 1, 8, at 15, 2025, alas-7 ng gabi sa Sikat Studios Main Hall sa 305 Tomas Morato, Quezon City.

Para sa mga tiket, mag-text o tumawag kay Ms. Junna Marie sa 09062266750.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …