Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gela Atayde Time To Dance

Gela Atayde gustong subukan pagho-host, dream come true Time To Dance

ni Allan Sancon

MAITUTURING na very promising talaga ang New Gen Dance Champion na si Gela Atayde dahil bukod sa talent nito sa dancing, singing, at acting ay ipakikita naman niya ang galing sa hosting para sa bagong show ng ABS-CBN Studios at Nathan Studios Inc. na Time To Dance, kasama ang ABS-CBN Premium Host na si Robi Domingo. 

Isa itong dance contest na may puso dahil hindi lang magaling sumayaw ang kanilang hinahanap kundi isang dancer na may puso. Kaabang-abang sa show ang dancer na over 40 years old at dancer na may kapansanan.

Naging emosyonal si Gela sa katatapos na press conference dahil dream come true sa kanya ang show na ito dahil ito ang magbibigqy inspirasyon para maipakita ng mga dancer ang kanilang talent at maibahagi ang kanilang mga istorya ng buhay. 

Bukod sa pagsasayaw ay gusto rin ni Gela na mas mahasa pa ang  galing sa akting bilang magaling na actress tulad ng kanyang ina at mga kapatid.

“Dancing will always be closer to my heart kasi roon po ako nagsimula, kung bakit I am what I am now. 

“Pero first love ko sa totoo lang is acting. Bata palang po ako ay nanonood na talaga ako ng mga teleserye. Laking kusina po ako actually with the yayas, sila po ang nag-exposed sa akin sa mga teleserye. Lumaki po akong nagkukunwaring kapatid ko si Santino, at nagkukunwari ring kaibigan si Agua Bendita. 

“Tapos nagtatago ako sa kwarto ni mommy at kinukuha ko ‘yung makakapal niyang script at babasahin ang mga linya. Kasi ‘yun talaga ‘yung pangarap ko, acting is my ultimate dream but then upon entering  siyempre I also would be able to showcase this talent of mine which is dancing and I think ang sarap din  makilala bilang dancer kasi it’s something that I worked hard for years.

“But bilang artista it’s something that I will continue work on pa po at marami pa akong dapat i-improve on acting and I really, really want more work in terms of acting dahil sobrang miss ko na ring umarte,” mahabang esplika ni Gela.

Magsisimulang ipalabas ang Time To Dance saJanuary 18, 2025, Saturday sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, MYX, at WantTFC.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …