Saturday , August 2 2025
QCPD Quezon City

QCPD sinamahan sa pinagtapunan ng  bangkay
Suspek sa kidnap-slay sa QC trader, umamin sa pagpaslang sa 2022 missing person

ISA pang kaso ng pagpaslang ang nalutas ng Quezon City Police District (QCPD) sa pagkakalutas sa pagdukot at pagpaslang sa isang negosyante sa lungsod nitong 5 Enero 2025 makaraang madiskubre na isa sa tatlong naarestong suspek ay responsable sa pagpatay sa naiulat na missing person noong 2022.

Ayon kay PCol. Melecio M. Buslig, Jr., QCPD Acting District Director, nitong 13 Enero 2025, si Ruby Gonzaga, nanay ng reported missing person na si Noel noong 16 Marso 2022, ay nagtungo sa QCPD.

Hiniling ni Ruby ang tulong ng QCPD makaraang mapanood sa news sa telebisyon ang kaugnay sa pagkakaaresto kay Noli Cape, isa sa tatlong naarestong salarin na sangkot sa pagdukot at pagpaslang sa negosyanteng residente ng lungsod.

Ayon kay Ruby, nanay ni Noel (ang naiulat na nawawala), magkaibigan ang kanyang anak at si Cape kung saan naniniwala siyang may nalalaman si Cape sa pagkawala ng kanyang anak.

Sinabi ni Ruby, huli niyang nakita ang anak nang umalis sa kanilang bahay sa Caloocan sakay ng motorsiklong kulay itim na Honda Beat motorcycle.

Aniya, simula noon ay walang tigil na ang kanilang paghahanap kay Noel na halos umabot na sa tatlong taon.

Dahil dito, agad iniutos ni Col. Buslig, kay PMaj. Don Don Llapitan, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), na komprontahin si Cape.

Ayon kay Llapitan, umamin si Cape sa kanyang partisipasyon at itinuro bukod sa sinamahan pa ang grupo ng CIDU kung saan itinapon ang bangkay ng biktima sa Pangarap Village, Brgy. 182, Caloocan City.

Nagsagawa ng pagsusuri ang CIDU sa lugar hanggang sa Casoy Street kung saan itinapon ang bangkay ni Noel.

Ayon kay Llapitan, kinompirma ng may-ari ng lote na noong 2022, isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa lugar.

Makaraan, nakipag-ugnayan ang CIDU sa Forensic Unit ng Caloocan City. Sa rekord sa forensic unit, positibong may natagpuang bangkay ng isang hindi kilalang lalaki sa lugar noong 18 Marso 2022.

Ipinakita kay Ruby ang mga retrato ng bangkay at positibo niyang kinilala na si Noel o ang kanyang anak ang nasa retrato.

Ang labi ng biktima ay nasa kustodiya ng Crystal Funeral Homes, na matatagpuan sa Brgy. 180, Camarin, Caloocan City.

“Ang tagumpay na ito ay patunay ng ating patuloy na pagsusumikap na maghatid ng katarungan at proteksiyon sa ating komunidad. Ang Quezon City Police District ay patuloy na magsisilbing gabay at tagapagtanggol sa bawat mamamayan ng Quezon City. Nais ko rin pasalamatan ang ating mga operatiba sa kanilang walang sawang dedikasyon at pagsusumikap upang mahanap ang labi ng biktima,” saad ni PCol. Buslig, Jr. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Sara Duterte Supreme Court

Sa impeachment trial vs VP Sara
DESISYON NG SC PUWEDE BAGUHIN

HATAW News Team MAITUTUWID pa ng Korte Suprema ang kanilang sarili at maaari pang baliktarin …

Arrest Shabu

Gunrunner, durugistang tulak nasakote

ARESTADO ang isang lalaking isinasangkot sa ilegal na bentahan ng mga hindi lisensiyadong baril sa …

House Hotshots Javi Benitez Brian Poe Llamanzares Ryan Recto

House Hotshots, nagsusulong ng makasaysayang panukalang batas para sa Climate Resilience

ISANG grupo ng mga batang mambabatas na kilala bilang House Hotshots ang nagsusulong ng makabuluhang …

Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

Big time pusher sa Pampanga nalambat sa 700 gramong shabu

NAARESTO ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang pinaniniwalaang big time …

PM Vargas

Batas sa kalusugan, kabuhayan, at edukasyon tugon sa panawagan ni PBBM — solon

SA PAGTAPOS ng State of the Nation Address (SONA), nangako si Quezon City District V …