Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lyca Gairanod Aegis Mercy Sunot

Lyca Gairanod ‘di ipapalit kay Mercy Sunot ng Aegis

Allan Sancon

EMOSYONAL ang katatapos na media conference ng bandang Aegis para sa  kanilang nalalapit na Pre-Valentine Concert na pinamagatang Halik sa Ulan  na gaganapin sa New Frontier Theater, Q.C. sa February 1 and 2, 2025. 

Hindi mapigilan ng mga kapatid at co-band member na mapaiyak dahil ito ang unang major concert nila na wala na ang  kapatid nilang si Mercy Sunot, na yumao kamakailan dahil sa sakit na cancer. 

Napapabalitang si Lyca Gairanod ang ipapalit kay Mercy bilang bagong member ng Aegis. Madalas kasing kantahin ni Lyca ang mga awitin ng Aegis at ipinanalo niya ito sa isang pakontes. Kaya nilinaw namin sa grupo kung totoo nga ba ang issue sa pagpasok ni Lyca bilang bagong member ng Aegis at ipapalit kay Mercy.

Ay hindi po. Wala pong ipapalit kay Mercy. Siguro po as guest lang po pwede, pero si Mercy po ay forever sa Aegis. Walang pwedeng pumalit kay Mercy.”

Tiyak magiging madamdamin din ang kanilang nalalapit na concert dahil magmimistulang tribute ito Kay Mercy at kakantahin nila ang mga sumikat at timeless song ng kanilang kapatid tulad ng Basang-Basa sa Ulan, Sayang na Sayang, Luha, Halik at marami pang iba. 

Magiging guests ng Aegis ang mga batikan at magagaling na OPM Artist na sina Morisette Amon, Jona, Ogie Allcasid, Julie Ann San Jose at ang baguhang male group na Formula 5. This is directed by Frank Lloyd Mamaril and produced by Fues Advertising Inc..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …