I-FLEX
ni Jun Nardo
MALAKAS ang paniniwala ni Nanay Lourdes “Bing” Pimentel na, “God will provide…” sa production ng isinalin sa movie na musical na Nasaan Si Hesus?
Eh nang tanungin namin si Mrs. Pimentel kung na-inspire ba siya sa pelikulang Isang Himala: The Musical na ipinalabas last film festival kaya gagawing movie, ang Nasaan Si Hesus? Sagot niya, matagal na nilang ginawa ang play na isinulat ng yumaong si Nestor Torre.
“Umikot na ito sa maraming schools sa bansa. Naging maganda ang feedback sa play at noong naisip naming isalin ito sa movie, naging maganda ang pagtanggap sa project.
“Alam kong mahirap mag-produce pero I have faith and heto nga, we are all here dahil sa isang magandang project we all believe,” saad pa ni Nanay Bing.
Magiging artista ng movie sina Geneva Cruz, Rachel Alejandro, Jeffrey Hidalgo, Marissa Sachez, Gianni Sarita, at Janno Gibbs pati na ibang performers sa stage, recording at screen.
Ang Nasaan Si Hesus? ay mula sa music at lyrics ni Nanay Bing at sabi niya sa movie, “The film is a form of offering of praise, thanksgiving and petition. Salvation is near if we open our eyes and listen. We want to show everybody that God is always here.”
Mula sa panulat at direksiyon ni Dennis Marasigan, ang Nasaan Si Hesus ay mula sa Great Media Productions,Inc. at Balin Remjus. Inc..