Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Judy Anne Santos Atty Joji Alonso Lorna Tolentino Chanda Romero Espantaho

Juday magiging aktibo sa pagpo-produce 

I-FLEX
ni Jun Nardo

TARGET na rin ni Judy Ann Santos na mag-produce ng sariling projects. Naging inspirasyon niya ang lawyer-producer na si Atty. Joji Alonso na producer niya sa comeback movie, Espantaho na Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Quantum Films.

Nakita ko kasi kay Atty. Joji ‘yung passion at dedication niya as a producer. She’s always there sa shooting!

“Kung wala man siya sa start, basta, anytime of the day, dumarating siya at with matching food sa lahat!

“I am very glad at si Atty. ang producer ko sa pagbabalik ko sa screen,” sabi ni Juday sa bonggang mediaccon ng Espantaho.

Si Vilma Santos sana ang kasama sa movie ni Judy Ann. Pumalit sa kanya si Lorna Tolentino.

Of course, bongga kung si Ate Vi ang kasama ko. Eh, in due time. Masaya rin ako at si Lorna (Tolentino) ang kasama ko sa movie,” saad pa ng Queen of Soap Opera.

Second time naman maidirehe si Judy Ann ng Master of Horror Films na si Chito Rono dahil drama ang una nilang project together.

What a comeback dahil si direk Chito ang director namin. Talagang madarama sa movie ang galing niya sa nakatatakot na eksena!” rason ni Juday.

Sa kaalaman ng lahat, binigyan ng PG rating ang Espantaho kaya puwede ito sa mga bata.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …