Monday , May 12 2025
Puganteng vice mayor ng Marawi arestado sa NBI

Puganteng vice mayor ng Marawi arestado sa NBI

INIHAYAG ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon na naaresto na si Marawi Vice Mayor Annouar Romuros Abedin Abdulrauf alyas Anwar Romuros y Abedin sa kasong murder.

Ayon sa NBI, napansin nila na si Abdulrauf ay gumagamit ng alyas na ‘Anouar A. Abdulrauf’ upang makaiwas sa pag-aresto.

Ngunit nitong Lunes ng umaga, naaresto ang akusado sa Hall of Justice ng Marawi City pagkatapos ng flag-raising ceremony sa Marawi City Hall.

               Ang pag-aresto sa vice mayor ay sa ilalim ng direktiba ni NBI Director, Judge Jaime B. Santiago sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) sa mga kasong murder at attempted murder.

Inihain ang nasabing mga kaso ng asawa ng napaslang na biktimang si Lapit Sultan, na isang witness ang positibong kumilala sa vice mayor na siyang akusado sa nasabing kaso.

               “Naganap ang pagpaslang sa biktima sa isang lehitimong paghahain ng search warrant ng NBI CID-IS dahil sa paglabag sa RA 9165 (Dangerous Drugs Act) Tala, Caloocan City noong 2013,” pahayag ng NBI.

               “Ipinatutupad ng NBI operatives ang search warrant nang isang armadong grupo na pinamumunuan ng akusado ang pinagbabaril ang mga awtoridad,na ikinamatay ng biktima at ikinasugat ng iba pa,” dagdag ng NBI.

               Sa kabila ng pagkaaresto kay Abdulrauf, nagpapatuloy ang pagtugis ng NBI sa iba pang akusado na nanatiling at large.

Pinuri ni Director Santiago ang NBI operating units gayondin ang Philippine Army 103rd Infantry Army, Task Force Marawi ng Marawi City, at Task Force Oro ng Cagayan De Oro City sa matagumpay na pagpapatupad ng warrant of arrest. (EJ DREW)

About EJ Drew

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …