Wednesday , December 4 2024
Quendy Fernandez Swim BIMP-EAGA
KABUUANG apat na ginto at isang silver ang nasungkit ni Quendy Fernandez ng Team Philippines E sa swimming competition ng 2024 Brunei Darusalam, Indonesia, Malaysia, Philippines East ASEAN Growth Area Friendship Games (DICT-PSA BIMP-EAGA) na ginanap sa Ramon V. Mitra Sports Complex sa Puerto Princesa City, Palawan. (HENRY TALAN VARGAS)

Fernandez, bagong sirena ng aquatics sa BIMP-EAGA

Puerto Princesa City – Humakot ng tatlong ginto si Quendy Fernandez para pangunahan ang arangkada ng Team Philippines-E sa swimming competition kahapon sa ikalawang araw ng 2024 Brunei Darusalam, Indonesia, Malaysia, Philippines East ASEAN Growth Area Friendship Games (DICT-PSA BIMP-EAGA) na ginanap sa Ramon V. Mitra Sports Complex sa lungsod.

Dinomina ni Fernandez ang women’s 100-m backstroke sa oras na 1:07.21 at pinangunahan ang panalo ng Team Philippines E sa women’s 4×50-m medley relay (2:06.68) at women’s 4×50-m freestyle relay (1:55.76).

Bukod sa tatlong ginto sa swimming kahapon, nakakuha rin ng isang ginto at isang silver noong Lunes si Fernandez para sa kabuuang 4 golds at 1 silver at malakas na kandidato bilang most bemedalled athlete sa isang-linggong palakasan.

“It’s a fun experience kasi dito talaga ako nag-umpisa at nagko-compete. Dito rin po ako natutong lumangoy kasi dito ako lumaki at nag-aaral simula kindergarten at sa edad na kinder natuto akong lumangoy at sumasali sa iba’t ibang international competitions,” sabi ng 19-anyos na si Fernandez na ngayo’y second year student ng University of the Philippines.

Patuloy din ang sinimulan ng Philippines Team A matapos umukit sa kanilang tig-ikatlong gintong medalya sina Philip Adrian Sahagun sa men’s 100-m backstroke (1:00.82) at Lisa Margarette Amoguis sa women’s 200-m butterfly (2:34.74). Namayani rin ang Team A sa men’s 4×50-m medley relay (1:43.23).

“Sobrang malaking boost po sa akin na makita ko po ‘yong familiar faces. It really brings so much joy and energy. Hindi ko po ini-expect na makuha ang maraming medalya. Hopefully, loobin ng Panginoon, magdagan pa ang mga medalya kong ito,” dagdag ni Fernandez na tubong Puerto Princesa City, Palawan at sumasali sa kabuuang anim na events sa swimming.  

Sa athletics event na ginawa rin sa RVM Sports Complex, nasungkit ni Arriel Haruddin Muhammad ng Indonesia ang titulong “fastest runner” matapos pagharian ang 100-m dash sa oras na 10.89 seconds, pumapangalawa si Ameer Izzudin Abdul Rauf ng Malaysia – B sa oras na 11.03 seconds.

Napigilan ni Jully Jan Molines ng Philippines – A ang all-foreign domination pagkaraang angkinin ang bronze medal sa oras na 11.18 seconds.

Naungusan ni Rizkah Abdullah ng Malaysia – B si Jean Hazel Guibane ng Philippines – A sa women’s century dash. Nag-oras si Abdullah ng 12.84-segundo habang nagtala si Guibane ng 12.86 segundo.

Nasa ikatlong puwesto ang Indonesian sprinter Sukarmang Narintan sa 12.89 segundo. Namayani si Ibwine Idres ng Malaysia – B sa men’s 400-m run sa oras na 50.61 segundo, sumunod si Muhammad Darus ng Malaysia – B sa 51.34, at nakuha ni Jan Gilbert Bayang ng Philippines – A ang bronze medal sa kanyng 52.09 segundo.

Pinagbidahan ni Milchay Moreno ng Philippines Team – A ang women’s 400-m run sa oras na 1:00.11 at ibinagsak si Shakira Natasha ng Malaysia – B silver medal sa oras na 1:02.44. Bronze medal ang nakuha ni Crislyn Wenceslao ng Philippines – A sa 1:02.77.

Hindi nagpahuli ang Team Philippines – sa medal-rich athletics sa pamamagitan ni Kenn C. Lucero pagkaraang sungkitin ang gintong medalya sa men’s long jump sa 6.77 metro, pumangalawa si Adder Efandi ng Malaysia – B sa 6.72-meter, at ikatlo si Brian Dy ng Philippine Team – A sa 6.61 metro.

Sa 4×100 mixed relay namayani ang Indonesian quartet na sina Reno, Ramadhani Suci, Ariel Hairuden Muhammad, at Sulkarnang sa oras na 46.61 segundo, pumangalawa sina Jully Jan Molinos, Jhance Bautista, Rey Cabangbang, at Hazel Jean Guibon sa oras na 47.11 segundo, at pangatlo sina Mike Diocariza, Nikki Dalnay, Kevin Bonbon, at Pearl Salas ng Philippines – E sa 49.40 segundo.

Nakuha ng Indonesian team nina Regina Tania at Rasya Ramadian Muhammad ang ginto sa archery compound mixed team sa score na 153 habang sina Dayla Batrisya at Amasyri Mohd ng Malaysia B ang nagwagi sa archery recurve mixed team event. (HATAW Sports)

About Henry Vargas

Check Also

DOST R02 Strengthens Efforts Against Online Exploitation Through RA 11930 Webinar

DOST R02 Strengthens Efforts Against Online Exploitation Through RA 11930 Webinar

In line with the nationwide observance of the 18-Day Campaign to End Violence Against Women …

A Priceless Gift from DOST-1 1st Solar-Powered Water Desalination Facility in Silaki Island

A Priceless Gift from DOST-1: 1st Solar-Powered Water Desalination Facility in Silaki Island

SILAKI ISLAND, a heart-shaped 10-hectare islet located at Brgy. Binabalian, Bolinao, Pangasinan is renowned as …

Araw ng Pasay PARADE OF LIGHTS, STREET DANCING, AND PARADE OF FLOATS ITINAMPOK

Sa Araw ng Pasay 2024  
PARADE OF LIGHTS, STREET DANCING, AND PARADE OF FLOATS ITINAMPOK

MAS PINASAYA at mas pinabongga ang Parade of Lights at Street Dancing Competition nang magtagisan …

Sara Duterte impeach

‘Impeach VP Sara’ inihain sa Kamara

ni GERRY BALDO  HABANG patuloy ang imbestigasyon ng Kamara de Representantes sa sinabing ilegal na …

Philip Adrian Sahagun Lora Micah Amoguis Swimming 2024 BIMP-EAGA Games

2024 BIMP-EAGA Games
Philippine team A humakot agad ng anim na ginto sa unang araw

PUERTO PRINCESA CITY – Humakot kaagad ng anim na gintong medalya and Team Philippines-A sa …