Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Araw ng Pasay PARADE OF LIGHTS, STREET DANCING, AND PARADE OF FLOATS ITINAMPOK

Sa Araw ng Pasay 2024  
PARADE OF LIGHTS, STREET DANCING, AND PARADE OF FLOATS ITINAMPOK

MAS PINASAYA at mas pinabongga ang Parade of Lights at Street Dancing Competition nang magtagisan ng galing ang apat na mga eskuwelahan na Pasay City West High School, Pasay North, Pasay South, at Pasay East sa pamumuno ng Pamahalaang Lungsod Pasay kahapon.

Bukod sa mala-fiestang street dancing, ipinarada rin ang iba’t ibang pailaw at float lulan ang sari-saring palamuti bilang pakikiisa sa ika-161 Founding Anniversary ng lungsod na may temang “Pasayahin 2024: Tuloy-tuloy ang Sigla!”

May nakalatag na mga aktibidad at salusalo para sa mga Pasayeño.

Dinagsa ng libo-libong Pasayeño ang aktibidad lalo’t suspendido ang klase at trabaho sa buong lungsod kahapon, araw ng Lunes, upang bigyang-daan ang selebrasyon ng Araw ng Pasay. (EJ DREW)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About EJ Drew

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …