Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vic Sotto Piolo Pascual Kingdom

Vic tigil muna sa pagpapatawa

I-FLEX
ni Jun Nardo

ANG pelikulang Kingdom ang sagot ni Vic Sotto sa tanong ng mga anak kung kailan siya gagawa ng pelikulang seryoso.

Out of the box na maituturing ang ginawa ni Bossing Vic sa movie dahil hindi siya mapapanood na nagpapatawa at makikita ang mannerisms niya sa nakaraang past comedy films niyang nagpatanyag sa kanya.

Marami akong tanong bago ko gawin ang isang eksena. Ano ang boses ko? Paano ang kilos ko? Binago lahat at sa tulong ng co-actors ko at director Mike Tuviera, pati ako, nagulat din dahil wala sa movie ‘yung ginagawa ko,” rason  ni Vic.

Eh nakadagdag pa na si Piolo Pascual ang isa sa co-stars niya sa movie kaya sey ni Vic, “Go na ‘yan!”

Para naman kay Piolo, surreal pa rin ang feeling niya dahil hindi niya inaakalang makakasama sa movie ang iniidolo lang niyang si Bossing.

Forever grateful. Sobrang starstruck ako lalo na noong magharap na kami sa isang importateng scene ng movie!” deklarasyon ni Piolo.

Ang pelikula ay mapapanood sa December 25.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …