Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Richard Bachmann PSC BIMP-EAGA friendship games
NAGPAHAYAG ng mensahe si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachmann sa pagbubukas kahapon ng Brunei Darusalam, Indonesia, Malaysia, Philippines - East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) Friendship Games na ginanap sa Edward Hagedorn Coliseum, Puerto Princesa City, Palawan. Kasunod ang welcome address ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron at Head, BIMP-EAGA Facilitation Center Dr. Susan Pudin. (HENRY TALAN VARGAS)

Sports para sa pagkakaisa

SA KABILA ng maulang panahon, nagbigay ng makulay at masayang kapaligiran ang parada ng mga atleta sa pagbubukas ng 11th Brunei Darusalam, Indonesia, Malaysia, Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) friendship games kahapon, 1 Disyembre, sa Edward Hagedorn Coliseum.

Ang mga mag-aaral ng Criminology mula sa Palawan State University (PSU) kasama ang mga lokal na grupo ng sayaw ay nagpasaya sa mahigit 700 atleta, coach, at mga opisyal na nagsanib-puwersa upang ipagdiwang ang pagkakaibigan at samahan para sa linggong palaro.

Kasamang dumalo sa kaganapan sina Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Walter Torres, Executive Director Paulo Francisco Tatad, sina Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron at si Susan Pudin, ang pinuno ng BIMP-EAGA Facilitation Centre, ay nagsabing ang sports fest ay naglalayong magbigay ng positibong epekto sa kultura at economic partners ng mga bansang kalahok.

“We are committed to strengthening our cooperation and solidarity as we set a unified goal of growth and development within our region. As we open this year’s BIMP-EAGA, we emphasized the important role that sports play in achieving meaningful milestones together,” wika ni PSC chairman Richard Bachmann.

“Hayaan ninyong magsilbing inspirasyon ang mga aral mula sa mga palarong ito upang magdulot ng positibong epekto sa inyong mga komunidad,” aniya.

“You are little ambassadors from your home countries, cheer for one another and let the spirit of BIMP-EAGA shine through your actions, humility and good will,” giit ni Pudin.

“Magkasama tayong gagawin ang kaganapang ito bilang isang selebrasyon ng pagkakaibigan, pagtutulungan, at tapat na aspirasyon. Sa mga atleta, hinihikayat ko kayong makipagkompetensiya nang may passion, integridad, at respeto sa isa’t isa,” wika ni Bayron.

Sa kabilang banda, inaasahang maipagkakaloob na ang unang mga medalya sa athletics at swimming events na magsisimula ang mga laban ngayong Lunes, 2 Disyembre, sa Ramon V. Mitra Sports Complex. (HATAW Sports)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …