Monday , January 6 2025
2 lalaki arestado, 79K shabu, baril, kompiskado

2 lalaki arestado, 79K shabu, baril, kompiskado

Kampo Heneral Paciano Rizal – Naaresto ang dalawang drug personalities sa ikinasang buybust operation ng Pagsanjan Police at nakompiska sa mga suspek ang isang baril at 11.7 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na aabot sa P79,560 noong Biyernes, 29 Nobyembre 2024.

Sa ulat kay P/Colonel Gauvin Mel Y. Unos, Acting Provincial Director, Laguna PPO, kinilala ang mga suspek na sina alyas John Paul, residente sa Lumban, Laguna at si alyas Trister, residente sa Santa Cruz, Laguna.

Sa ulat ni P/Maj. Mohnasser Jibrael M. Baiddin, Hepe ng Pagsanjan Municipal Police Station, nagkasa ang kanilang Drug Enforcement Team (DET) ng drug buybust operation sa Brgy. Biñan Pagsanjan, Laguna, Dakong 5:10 am noong Biyernes, 29 Nobyembre.

Nagresulta ang nasabing operasyon sa pag-aresto sa mga suspek matapos magbenta ng hinihinalang shabu sa poseur buyer kapalit ang marked money. 

Sa pagkakaaresto, nakompiska sa mga suspek ang pitong piraso ng transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang pirasong itim na coin purse, isang army green sling bag, isang P,1000 bill na ginamit bilang marked money, walong pirasong P100 bill bilang recovered money, isang yunit ng motorsiklo na Yamaha Mio color cream, nakompiska sa pag-iingat at pag-aari ni alyas John Paul, isang yunit ng kalibre .38 revolver, at limang piraso ng mga bala ng kalibre .38 baril.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Pagsanjan MPS ang mga naarestong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Samantala, ang mga kompiskadong ebidensiya ay isusumite sa Crime Laboratory para sa forensic at ballistic examination.

Sa pahayag ni P/Col. Unos,  “Walang pinipiling oras ang ating pulisya sa pagpapatupad ng batas, isa rin ito sa mga paraan ng Laguna PNP upang mapigilan ang krimen na maaaring maidulot ng mga suspek lalo na’t sila ay armado ng baril. Nagpapasalamat din kami sa mga mamamayan at mga LGUs sa kanilang walang sawang pagsuporta at pakikiisa upang mapanatili ang tahimik at ligtas na pamayanan.” (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …