I-FLEX
ni Jun Nardo
“WE are now in the process of negotiations for the renewal of Showtime!” pahayag ni Atty. Annette Gozon-Valdez, GMA’s Network Senior Vice President para tapusin ang naglalabasang issue na hanggang December na lang sa GMA ang noontime show produced by ABS-CBN.
Balitang ang ipapalit sa It’s Showtime kung totoong masisibak na ito sa GMA ay ang network-produced sana na TikToClock.
Umere sa free channel ng GMA ang It’s Showtime last July 1, 2023 matapos ang pirmahan ng kontrata last June 28, 2023.
Eh sa ngayon, bukod sa dalawang free TV ng GMA Network, napapanood din ng kasabay sa ALLTV2ang It’s Showtime.
May kinalaman kaya ang pag-ere sa ALLTV 2 ng It’s Showtime kaya may negosasyong nagaganap? Sa totoo lang, halos lahat ng old teleseryes na produced ng ABS-CBN ay napapanood sa ALLTV 2 at ang TV Patrol.