I-FLEX
ni Jun Nardo
SUPER grand or mas hihigit pang salita ang puwedeng sabihin sa media launch ng Metro Manila Film Festival 2024entry na Uninvited ng Mentorque Productions ni Bryan D. Diamante na ginawa last Wednesday sa grand ballroon ng Solaire North.
Hindi lang ‘to basta ordinary party sa gripping mystery thriller mula kina Vilma Santos, Nadine Lustre, Aga Muhlach at iba pa mula sa direksiyon ni Dan Villegas.
Binihisan ang labas at loob ng ballroom na umakma sa tema ng movie. Masasarap ang ipinakain sa guests at bumaha ng lahat ng klase ng inumin, huh!
Sa pahayag ng Star or All Seasons kung bakit ginawa niya ang Uninvited, “Na-challenge ako dahil gusto ko ng story na nangyari sa loob ng isang araw lang. May idea na ako sa simula at sa ending pero wala akong gitna! Pumasok at tumulong si direk Dan at nabuo namin ang ‘Uninvited.’ We are proud of this film.”
Sa media launch naganap ang reveal ng official poster ng Uninvited at ang bagong trailer nito na pinalakpakan nang husto!