Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai nasaktan, nalungkot, tinanggap kapalaran kay Gerald 

I-FLEX
ni Jun Nardo

NASAKSIHAN din namin ang pagsisimula ng relasyon nina Ai Ai de las Alas at Gerald Sibayan.

Madalas isama ni Ai Ai si Gerald sa kanyang shows, local or abroad. Personal assistant/driver siya ng Comedy Queen dahil that time eh estudyante pa lang si Gerald.

Mas bata si Gerald kay Ai Ai kaya hindi maiwasang maging protective siya sa BF that time dahil alam ng komedyana ang presence ng mga “ahas” sa showbiz lalo na’t guwaping si Gerald.

Hanggang sa nagpakasal sila. Pinag-aral maging piloto si Gerald na naging maayos naman ang relasyon sa anak ni Ai Ai.

Pero sabi nga sa kanta, all good things must come to an end. Naghiwalay sina Ai Ai at Gerald sa isang message na hindi na happy si Gerald at gustong magkaanak.

Hindi gaya ng nakaraan niyang relasyon, ngayon lang naging open si Ai sa hiwalayan. Para na rin maibahagi sa fans at nagmamahal sa kanya ang nagyari sa kanila ni Gerald.

Masakit. Malungkot si Ai Ai. Pero tinanggap niya ang lahat. Alam naman niya kung paano niya natulungan si Gerald at tinanggap ang naging kapalaran nila.

Huwag kang mag-alala, Ai Ai, dahil maraming nagmamahal sa ‘yo!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …