Saturday , December 21 2024
Anton Ignacio, World Jetski Champion
ITINANGHAL si Anton Ignacio 18 anyos na World champion sa naganap na SBT- International Jet Sports Boating Association (IJSBT) World Jet Ski Finals sa Lake Havasu, Arizona, USA. Kasamang dumalo sa homecoming press conference (L-R) sina Jetski Association of the Philippines president Harley David, mga magulang na sina Roberto at Joyce at JAP vice president Paul del Rosario na ginanap noong Huwebes sa Privon Bistro Lounge sa Mother Ignacia St., Quezon City. (HENRY TALAN VARGAS)

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International Jet Sports Boating Association (IJSBT)  World Jet Ski Finals na ginanap ngayong buwan sa Lake Havasu, Arizona, USA.

Itinuturing na “Olympics ng Jet Ski racing ang kaganapan na nilahukan ng higit sa 300 na riders mula sa higit na 70 na bansa. Nanguna si Ignacio sa Pro-Am Runabout 1100 Stock, isa sa mga pangunahing dibisyon ng kumpetisyon. Runner-up siya sa Expert Runabout 1100 Stock at Naturally Aspirated at  pang-apat na pwesto sa Amateur Runabout 1100 Stock. 

Dumalo si Ignacio sa kanyang homecoming press conference na ginanap Huwebes ng gabi sa Privon Bistro Lounge sa Mother Ignacia St., Quezon City kasama ang kaniyang mga magulang na sina Roberto at Joyce, Jetski Association of the Philippines President Harley David at Vice President Paul del Rosario.

Tagumpay din ang mga batang jetski racers ng Pilipinas na sina Inigo Ventus na nagwagi ng world title sa Novice Runabout Stock, Kristine Mercado na runner-up sa Women’s Runabout 1100 Stock at Cody Pontino.  Ang RP-JSAP team ay itinaguyod ng Robig Builders at Rudy Project. Nakatakdang lumahok si Ignacio sa WGP#1 Waterjet World Cup sa Disyembre 11-15 2024 sa Pattaya City, Thailand at sa 2025 Southeast Asian Games. (HATAW Sports)

About Henry Vargas

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …