I-FLEX
ni Jun Nardo
TAHIIMIK ang nangyaring pagbubuntis ni Ellen Adarna kay Derek Ramsay. Heto at nanganak na nga ang aktres nitong nakaraang araw.
May nakapagsabi na sa amin dati na buntis na si Ellen. Pero ayaw nilang ipamalita ang pagiging buntis niyon.
May kinalaman marahil ‘yung nagyaring miscarriage ni Ellen sa unang pagbubuntis niya kay Derek kaya nanahimik sila.
Sa paglabas ng kanilang anak, si Derek pa mismo ang nagbalita nito sa kanyang Instagram. Wala nga lang siyang face reveal kung babae o lalaki.
Tinotoo ni Derek ang pangako na after niyang gawin last year ang pelikulang (K)Ampon eh ang buhay-asawa muna ang kanyang focus.
Basta ang sambit lang ng aktor sa IG, “My world keeps getting better and better everyday!”
Congratulations, Derek and Ellen!TAHIIMIK ang nangyaring pagbubuntis ni Ellen Adarna kay Derek Ramsay. Heto at nanganak na nga ang aktres nitong nakaraang araw.
May nakapagsabi na sa amin dati na buntis na si Ellen. Pero ayaw nilang ipamalita ang pagiging buntis niyon.
May kinalaman marahil ‘yung nagyaring miscarriage ni Ellen sa unang pagbubuntis niya kay Derek kaya nanahimik sila.
Sa paglabas ng kanilang anak, si Derek pa mismo ang nagbalita nito sa kanyang Instagram. Wala nga lang siyang face reveal kung babae o lalaki.
Tinotoo ni Derek ang pangako na after niyang gawin last year ang pelikulang (K)Ampon eh ang buhay-asawa muna ang kanyang focus.
Basta ang sambit lang ng aktor sa IG, “My world keeps getting better and better everyday!”
Congratulations, Derek and Ellen!