Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Balota

Pelikula ni Marian kumita

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAS marami na nga ang nakanood ng pelikulang ni Marian Rivera nang magsimula itong ipalabas sa mga sinehan noong October 16.

Hindi lang ‘yan, dahil naging certified top grosser din ng Cinemalaya 2024 ang pelikula sa opening week nito. At nitong weekend nga ay nagkaroon ng surprise visit ang Kapuso aktres sa kaliwa’t kanang block screening ng kanyang pelikula sa Metro Manila.

Patuloy na napapahanga ni Marian ‘di lang ang kanyang fans, kundi pati na rin ang moviegoers na nakapanood ng pelikula. 

Komento ng isang netizen sa official Facebook page ng aktress, “I saw the film. You gave justice to the role Idol. Congrats!” 

Kahit nga ang mga nakapanood na sa pelikulang ito noong Cinemalaya, pumila pa rin para sa new cut ng pelikula. Very timely naman daw ang pagpapalabas nito dahil sa susunod na taon ay eleksiyon na naman.

May handog din ang pelikula na special rate para sa mga guro at estudyante na nais makapanood nito sa piling sinehan. Talaga namang ikinatuwa ito ng mga teacher at students, ha! Kaya ano pa ang hinihintay n’yo, takbo na sa sinehan para manood.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Tondo Riot

Sangkot sa riot sa Tondo, 9 kabataan dinampot

NASAKOTE ng mga awtoridad ang siyam na menor de edad at isang 18-anyos suspek, matapos …

Dead Road Accident

Lady rider patay sa trailer truck

AGAD binawian ng buhay ang isang 58-anyos babaeng rider matapos magulungan ng trailer truck ang …

cal 38 revolver gun

Sa Cubao, QC
Kelot timbog sa bogang ibinongga

ARESTADO ang isang lalaki nang magresponde ang mga awtoridad sa sumbong ng Unified 911 na …

Margaret Diaz Warat

“Warat” pinakaseksing pelikula ni Margaret Diaz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKITA namin ang FB post ng sexy actress na si …

Sunshine Garcia Sexbomb Alexis Castro

Thankful kami kay Lord na parang binigyan kami ng second chance maramdaman kung ano kami dati — Sunshine Garcia

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang SexBomb member na si Sunshine Garcia na hindi …